Angelu de Leon may isyu sa age gap nila ni Bobby Andrews; ni-research ang JoshLia love team

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angelu de Leon may isyu sa age gap nila ni Bobby Andrews; ni-research ang JoshLia love team

PUSH TEAM

Clipboard

Isa sa pinakasikat na love team noong dekada ‘90 ay ang tambalan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Pero hindi katulad ng mga love team ngayon na lovers na rin in real life tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, hindi nagkaroon ng romantic involvement sina Angelu at Bobby.

Sa ginanap virtual presscon ng Viva para kay Angelu ay diretsahan nitong inamin na age gap ang dahilan kung bakit hindi sila naging lovers noon ni Bobby.

“Yon lang yung difference namin with Bob. Maybe it would have been a different situation if our age are a little bit closer,” natatawang pag-amin ni Angelu na kapipirma lang ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Dugtong niya, “Talagang there was really age gap and siguro dati hindi yon pansin ng tao. Pero you know, it was a factor.”

ADVERTISEMENT

Nagbigay din ng reaksyon ang aktres sa nag-viral na music video nina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa kantang “Paubaya.”

“Merong nagpaubaya, di ba? Ang cute. Alam mo, naaliw ako du’n. Para sa akin, ‘Dapat ginawa namin yon ni Bobby,” natatawa niyang sambit.

Naka-relate din daw siya at kinilig na katulad ng fans ng JoshLia nung napanood niya ang music video.

“Marami na talagang love teams na, I mean, it brings joy even me watching them. Parang, ‘Oh my gosh, ganito pala ang nararamdaman ng mga fans namin dati!’ Parang ganu’n,” wika pa niya.

Inihayag din ni Angelu na pagkatapos mag-viral ng JoshLia video ay ni-research niya ang love story ng dalawa at napabilib siya kung paano sila nagpaubaya sa isa’t isa sa ginawang video.

ADVERTISEMENT

“I mean, they’re very strong in a sense na to do that kind of thing. It was very personal na parang… ang galing nila. Ang galing nilang dalawa to be able to do that because, to some, magtatago na lang yan. But for them, it was a closure,” reaksyon ni Angelu.

“It was a nice thing na, ‘At least, after nito pwede tayo maging friends,’ di ba?” pahayag pa ni Angelu.

Samantala, masaya ang aktres ngayon sa piling ng asawang si Wowie Rivera. Si Bobby naman ay matagal nang kasal sa non-showbiz wife niyang si Bienne Co.

Read More:

Angelu De Leon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.