Nikko Natividad, inaming minsan nang niloko ang kanyang non-showbiz partner | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nikko Natividad, inaming minsan nang niloko ang kanyang non-showbiz partner

Pau Benoza

Clipboard

Hindi itinanggi ng aktor na si Nikko Natividad na naranasan na niyang magloko sa relasyon.

Sa Magandang Buhay noong Martes, Mayo 18, naging bukas si Nikko, na miyembro rin ng grupong Hashtags, tungkol sa naging pagsubok nila noon ng kaniyang non-showbiz partner na si Cielo Mae Eusebio.

"Hindi na ako magsisinungaling. Inamin ko 'yun sa vlog namin na TikTok. Nagloko ako sa kaniya isang beses. At sabi ko nga, nagpapasalamat ako sa Diyos na 'yung unang pagloloko ko sa kaniya, nahuli niya agad ako. Buti pala nahuli niya agad ako. Kasi kung hindi niya ako nahuli, uulit ulitin ko 'to eh. 'Di ba? Dahil na-try mo na eh," ani Nikko.

"Inamin ko sa kaniya. Sabi ko, nagkamali ako. Buti na lang, maaga pa lang nagkamali na ako. Naitama ko agad. Pinatawad niya ako. Parang sabi niya huwag mo nang ulitin kasi lahat ng pag-aawayan natin mapag-uusapan, pero kapag may pumasok na na ibang tao, 'di na raw niya kakayanin," sabi pa niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Nikko, matapos nito ay palagi na niyang tinatandaan ang kasabihang "kung ayaw mong gawin sa 'yo, huwag mong gawin sa iba."

"Sobrang basic niya pero malalim 'yun 'di ba. Ako hindi ako nagbubuhat ng bangko. Lalo sa celebrity, may mga babae diyan na pumapatol sa lalaki kahit alam nilang may karelasyon. Maraming nagme-message po na, okay lang kahit may asawa ka, may girlfriend ka, kahit tago. Sabi ko, labanan lang ng focus 'yan. 'Wag magpapa-tukso. 'Yun lang po talaga, at siyempre takot sa Diyos," aniya.

Sumang-ayon naman ang kanyang kapwa aktor na si Jerald Napoles sa sinabi ni Nikko.

"Una sa lahat common sense lang 'yan. Kapag may pinasok kang sitwasyon, ikaw ang lulusot doon. Ikaw 'yung mapapahamak, ikaw 'yung maiipit. Dapat tingnan natin 'yung mga bagay sa lahat ng anggulo. Kasi ang mga ganyang desisyon, hindi lang 'yung sarili natin ang apektado. 'Pag hindi natin naisip 'yun, napaka-selfish natin dahil may mga magulang tayo, of course may girlfriend tayo, may asawa tayo. Lahat 'yan apektado dahil may binuo tayong relasyon nang mahabang panahon," sabi ni Jerald.

Dagdag pa ni Nikko: "Sana ayusin natin 'yung mindset na 'Iba kasi 'yung lalaki. Iba kami.' Hindi po totoo 'yun. Gusto kong ipagtanggol 'yung karapatan ng mga babae na hindi po totoo na iba 'yung lalaki, eh. Iba kami. Dominant kami. Hindi po totoo. Equal tayo lahat. Masasaktan din sila at masasaktan din tayo kung gagawin sa 'tin ng mga partner natin. Lalo po 'pag nagkaanak na kayo.

"Ako lalo, galing ako sa broken family. At ayaw kong maging dahilan ng paghihiwalay niyo ay dahil lang na tumikim ka ng iba, natukso ka. 'Yung panandaliang sarap, sisirain lahat habangbuhay."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.