Dating ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ actor na si Lester Llansang, isa nang delivery rider ngayon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ actor na si Lester Llansang, isa nang delivery rider ngayon
Push Team
Published Sep 18, 2021 02:22 AM PHT

Pumapasada na ngayon bilang isang delivery rider ang aktor na si Lester Llansang.

Sabi ni Lester na minsan nang napanood sa hit primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano, pinag-isipan umano niya nang mabuti ang kanyang naging desisyon.

“Talagang pinag-isipan ko siya nang mabuti. Okay siya. Hindi ganon kalaki ang kinikita. Pero kung masipag ka at talagang raratratin mo ang biyahe araw-araw at dadamihan mo sa isang araw ang biyahe, okay naman siya,” ani Lester.

Pagbabahagi ni Lester, may mga kinaharap na agad siyang problema sa unang beses pa lamang niya sa pagpapasada.
Pagbabahagi ni Lester, may mga kinaharap na agad siyang problema sa unang beses pa lamang niya sa pagpapasada.
ADVERTISEMENT
“’Yung unang booking — sa Antipolo kasi ako nakatira — tapos ‘yung unang pumasok, Marikina lang. So tinanggap ko. Sabi ko, wala ako nung parang bag na malaki. Kasi ‘yung upuan ko hindi stable,” ani Lester.

Ngunit nang dumating si Lester sa lugar kung saan niya susunduin ang box, laking gulat na lamang umano niya nang walong boxes ng kape ang nadatnan niya. Dagdag pa niya, umuulan pa umano noong mga panahong iyon.

“Napanghinaan ako ng loob kasi hindi pala ganun kadali ‘yung trabaho ng rider,” ani Lester.

Gayunpaman, nagawan umano ni Lester ng paraan ang kinaharap niyang pagsubok sa tulong ng isang gwardiya sa condo unit na nagbigay sa kanya ng bagong trash bag bilang pambalot.

“Nakakatuwa kasi mas nare-realize ko ‘yung mga hirap ng rider na ganoon pala. Kaya pala ‘pag hindi mo na kinukuha ‘yung sukli na limang piso, ganoon sila magpasalamat,” ani Lester.

Panoorin ang video sa ibaba:
Panoorin ang video sa ibaba:
Samantala, inamin naman ni Lester na dumaan siya sa depresyon.

“Dumaan ako sa depression, sa anxiety. Pero hindi ako umamin. Sabi nga ng girlfriend, ‘Aminin mo na lang sa sarili mo na nandiyan ka sa stage na ‘yan’. Pero ayoko siyang tanggapin,” ani Lester.

“Nanahihik ako ng ilang taon din. Alam mo ‘yung feeling na wala kang silbi, wala kang kwenta, wala kang ginagawa. Umabot ako sa ganun. Pero hindi naman umabot sa gusto kong magpakamatay,” saad ni Lester.

Maliban sa kanyang role sa FPJ’s Ang Probinsyano, nakilala din si Lester sa kanyang karakter sa pelikulang Saranggola kung saan ginawaran siya ng Best Child Actor sa FAMAS.

Kung ikaw ay may pinagdaanan, tumawag lamang sa 24/7 National Center for Mental Health (NCMH) crisis hotline: 1553 (Luzon-wide landline toll-free); 0917-899-8727 (USAP); (02) 7-989-8727 (USAP).