Jake Cuenca at Dimples Romana hanga sa husay ni Sean De Guzman | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jake Cuenca at Dimples Romana hanga sa husay ni Sean De Guzman
Leo Bukas
Published Nov 29, 2022 07:14 PM PHT

Hanga ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa work attitude ng baguhang si Sean de Guzman na co-actor niya sa pelikulang My Father, Myself. Kung itutuloy daw nito ang ganung ugali ay tiyak na malayo ang mararating nito sa industriya.

“In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is, he's going to go a very, very long way dahil nakita ko na iyang ganyang gigil sa ganyang pagkatao.

“Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie,” papuri ni Dimples kay Sean.

Kasama nina Dimples at Sean sa My Father, Myself ang award-winning actor na si Jake Cuenca. The film is directed by Joel Lamangan at kasali sa 2022 Metro Manila Film Festival ngayong December 25.

Ayon pa kay Dimples, mukha lang playful si Sean pero mabilis din daw itong mag-shift sa karakter na ginagampanan sa pelikula. At kahit baguhan lang ang aktor ay kitang-kita raw niya kung paano nito sineseryoso ang kanyang craft.

"Kasi siya, sa totoo lang,he knows how to be playful, nakikipagbiruan siya, but he also knows when work is work and that I appreciate the most," kuwento ni Dimples.

“Hindi rin siya easily intimidated kasi kung iisipin mo minsan pag hindi kami nagsasalita ni Jake puwede mong isipin para ma-intimidate ka, pero wala siyang ganoon. Alam mo kung bakit? Trained siya kay Direk Joel.

"Nakikinig siya. Hindi lang siya over aesthetic kasi may eksena kaming dalawa that you have to watch out for. Yung eksena ni Sean, dalawa kami nito pero kanyang-kanya yon,” wika pa ng aktres.

Maging si Jake ay bilib din kay Sean.
Maging si Jake ay bilib din kay Sean.
“Hindi mo malalamon si Sean. Kung hindi n'yo nga sinabing one year palang siyang artista, one year palang niyang ginagawa ang ganito, hindi ako maniniwala kasi parang matagal na siyang artista.

“Mahusay siya. Yung mga intimate scenes namin he is very professional at malakas talaga ang loob niya,” papuri ni Jake kay Sean.

Ang My Father, Myself ay kuwento ng bawal na pag-ibig ng isang ampon (Sean) na nagkaroon ng relasyon sa kanyang kinikilalang ama o adoptive father (Jake), na dating karelasyon ng kanyang yumaong ama.

Mas naging kumplikado pa ang kuwento ng pelikula dahil nabuntis pa ng karakter Sean ang anak ni Jake (played by newbie actress Tiffany Grey). Maselan ang tema ng pelikula na base sa tunay na pangyayari kaya R-18 ang ibinigay na rating dito ng MTRCB.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose. The film is produced by 3:16 Media Network and Mentorque Productions at mula sa panulat Quinn Carrillo.

Read More:
Dimples Romana
Jake Cuenca
Sean De Guzman
My Father Myself
Joel Lamangan
Allan Paule
Jim Pebanco
AC Carillo
Shawn Nino Gabriel
Joseph San Jose
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT