Bunsong anak ni Sunshine Garcia, na-ospital dahil sa UTI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bunsong anak ni Sunshine Garcia, na-ospital dahil sa UTI

Paulea Jence Benoza

Clipboard

Lubos ang pasasalamat ni Sunshine Garcia matapos na gumaling ang kanyang anak na si Xander sa urinary tract infection o UTI.

Sa Instagram nitong Lunes, Disyembre 5, ibinahagi ng dating Sexbomb dancer na naospital ang kanyang anak matapos itong tamaan ng mataas na lagnat at mag-seizure nang dalawang beses.

“Nag-fever siya Monday night, nagchi-chill, rashes balat at nagsusuka kaya tinakbo na namin sya sa hospital. Pagdating doon 41.5 ang body temp niya. Agad tinest ang blood and urine at pinainom ng gamot. 5 a.m. naging ok na siya. Clear ang bloodtest pero urine ang hindi na test since ang likot so pwede sa bahay na lang. ‘Pag-uwi namin wala pang 1hr na nasa bahay kami nag-seizure na siya kaya bumalik kami hospital, pero ‘yung pangalawa niyang seizure ang malala,” kwento ni Sunshine.

“‘Yung hawak ko si baby tapos tiningnan niya lang ako sa mata hindi kumukurap kahit punasan ko ang buong mukha nya bigla na lang ulit siya nag-bluish/nangitim then tumitirik ‘yung mata niya parang feeling ko ilang seconds din siya na hindi nagre-respond sa amin. Nung dumating ang mga doctor at nurse nilagyan siya kaagad ng gamot, pinatagilid at nilagyan kaagad ng oxygen parang duon pa lang siya nakahinga ng maayos at bumalik sa normal. Doon lang nag-sink in sa akin nangyari sa kanya. Hindi ako makapag-salita para kaming na-trauma sa nangyari kaya ‘pag umuulit ‘yung fever nya at nag-chill kinakabahan na kami, pero thank you LORD ‘di mo pinabayaan si Xander.”

ADVERTISEMENT

Kwento pa ni Sunshine, UTI dahil sa bacteria na nakuha mula sa dumi ang dahilan ng pagkakasakit ni Xander.

“Cause ng fever niya UTI (marami ang pwedeng maging cause ng UTI) pero kay Xander mataas ang INFECTION nakuha sa poops… Kailangan talaga pag nag-poops si baby matanggal kaagad ang diaper, mahugasan mabuti yung area niya. Unahin sa harap bago sa likod, ‘wag ipupunas ang wipes na nanggaling sa likod,” aniya.

Samantala, nagpasalamat naman ang aktres sa pamilya at mga kaibigan na nagdasal para sa kaligtasan ng kanyang anak. Pinasalamatan din niya ang mga doktor at nars na nag-alaga kay Xander, at si Xander sa pagiging matatag nito.

“Thank you Lord at hindi mo pinabayaan ang anak namin. Thank you sa mga friends/family namin na pinag-pray si baby Xander. After 5 days na-admit sa hospital, nakauwi na kami,” ani Sunshine.

Bukod dito ay nagbahagi rin ang aktres ng ilang tips para sa mga kapwa niya magulang kung sakaling mag-seizure din ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT

“1st Wag mag-panic (kahit mahirap ito)

2nd Itagilid si baby sa LEFT SIDE (‘wag kaagad bubuhatin)

3rd Hubaran lahat ng mahigpit sa kanya

4th Lagyan ng suppository (forgot name)

5th Punasan ng tubig. Hindi kailangan ng super cold kahit tap water ok na.

ADVERTISEMENT

“Then ‘pag kumalma na para sure pa din dalhin pa rin sa hospital.”

Matatandaang kamakailan lamang nang ipinagdiwang ni Sunshine at kanyang mister na si Alex Castro ang ika-2 kaarawan at binyag ng kanilang bunso.

Bukod kay Xander, may isa pang anak sina Sunshine at Alex na si Axel na ipinanganak noong 2018.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.