Christine Bermas, nag-react sa isyung kinasangkutan ng dating niyang co-star na si Kit Thompson

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Christine Bermas, nag-react sa isyung kinasangkutan ng dating niyang co-star na si Kit Thompson

Leo Bukas

Clipboard

Kaagad na nag-no comment si Christine Bermas nang tanungin siya tungkol sa isyung kinasangkutan ni Kit Thompson at ng girlfriend nitong si Ana Jalandoni. Si Kit ang leading man ni Christine sa kanyang launching film na Moonlight Butterfly na idinirek ni Joel Lamangan at napapanood sa streaming platform na Vivamax.

Christine Bermas, nag-react sa isyung kinasangkutan ng dating niyang co-star na si Kit Thompson

“Well, no comment po ako diyan,” matipid na pahayag ng dalaga na bida rin sa isa pang Vivamax movie ni Direk Joel Lamangan na Island of Desire nang makausap namin siya sa digital mediacon.

Aminado naman si Christine na ikinagulat din talaga niya ang narinig na balita.

“Nagulat po ako pero hindi ko naman po alam kung ano talaga ang mga nangyari kaya wala po akong masasabi,” matipid niyang pahayag.

ADVERTISEMENT

Ano bang stand niya tungkol sa violence against women?

Aniya, “Kahit saang aspeto po natin tingnan, maling-mali po yung manakit ng partner – yung boy na saktan mo yung girlfriend mo o yung girl na saktan mo ang boyfriend mo. And yeah, kahit ano mang reason ng pinag-awayan n’yo or what, or something, dapat iniisip mong mabuti bago ka gumawa ng kung anuman yung naisip mong gawin. Dapat andodo’n pa rin yung respect sa mga babae.

“Yeah, nagkakamali rin naman kami pero may reason din – but not at all naman. Dapat alamin muna natin yung ginagawa natin kung tama bago natin siya gawin. And very, very wrong talaga yung manakit. If you really love someone you will never ever do na saktan siya,” pagdidiin pa ni Christine.

Maging ang male cast ng Island of Desire na sina Rash Flores at Sean de Guzman at kinukundina rin ang pananakit sa mga kababaihan ng mga lalaking karelasyon nila.

Ani Rash, “Bilang isang lalaki ay maling-mali na saktan mo ang isang babae. Kahit anumang ginawa ng isang babae hindi natin sila kailangang saktan kasi biruin mo ang laki-laki natin tapos ang katawan ng babae ay napakalambot. Para sa akin kahit ano pang gawin ng isang babae hindi natin kailangang saktan.”

ADVERTISEMENT

Para naman kay Sean, “Napakasama po ng ganung gawain na saktan mo yung mga babae na walang kalaban-laban. Sana matigil na yung ganun.”

Naniniwala naman si Direk Joel na hindi lang naman puro mga kababaihan ang dumaranas ng pananakit mula sa kanilang partner.

“Hindi lamang ang babae ang dapat pinagpipiyestahan. May babae ding nagba-violent sa lalaki. Kanino ba dapat maawa, sa babae o lalaki? Nakakalimutan nating na may mga lalaki ring sinasaktan-saktan din ng mga babae. Meron ding mga ganung kaso. Anumang klase ng violence ay dapat ipagbawal,” pahayag ng beteranong direktor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.