Maris Racal at Carlo Aquino, gaano kabilis mag-move on sa relasyon?

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maris Racal at Carlo Aquino, gaano kabilis mag-move on sa relasyon?

Leah Bueno

Clipboard

Ibinahagi ng mga bida ng seryeng How To Move On in 30 Days na sina Maris Racal at Carlo Aquino kung paano sila nagmu-move na sa isang relasyon.

Sa PUSH Bets Live, mabilis na inamin ni Maris na madali siyang maka-move mula sa isang failed relationship, habang si Carlo naman ay tila hindi sigurado sa kanyang sagot.

"Depende, kasi meron 'yun eh, 'di ba. 'Yung investment mo doon sa isang tao. Depende siguro. Hindi ko alam eh. Minsan siguro mabilis, minsan matagal," ani Carlo.

Ayon din kay Maris, malalaman niyang dapat na siyang mag-move on sa isang relasyon kapag pakiramdam niya ay "worthless" siya at hindi na nakikita ng kanyang partner ang kanyang halaga.

ADVERTISEMENT

"Ako usually 'yung turning point ko kapag na-realize ko na parang wala akong progress or feeling ko back to square one ako sa kung ano mang na-build ko sa sarili ko, self-worth. Kapag feeling mo worthless ka na kasi 'yung taong minamahal mo, hindi nakikita 'yung worth mo, usually 'yan 'yung turning point ko na, ah, ayoko na 'to," sabi ng aktres.

"Kapag ikaw kasi nag-decide na ayaw mo na, kapag ikaw 'yung namulat sa relationship na 'yun na ayoko na 'to, hindi na 'to para sa akin, 'yun pa lang eh, alam mo nang dapat ka nang mag-move on."

Para naman kay Carlo, ito ay kapag tanggap mo na nang buo ang inyong sitwasyon at ang katotohanan tungkol sa inyong relasyon.

"Tanggap mo na lahat 'yung sitwasyon, kung ano 'yung nangyari sa inyo at kung bakit nangyari 'yun. Kumbaga meron ka nang eksplenasyon sa sarili mo na tatanggapin mo tapos magmu-move on ka na. Okay na 'yun. Next," aniya.

Payo ni Maris, importante na mahalin ang sarili kapag nasa proseso ng pagmu-move on mula sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT

"Start mong mahalin 'yung sarili mo kasi nasaktan ka eh, so pupunuin mo 'yung sarili mo ng pagmamahal. Gawin mo 'yung mga bagay na matagal mo nang gustong gawin pero hindi mo nagagawa sa relationship niyo. Like lahat ng mga bagay na magpapasaya sa 'yo, kahit short term happiness," ani ng aktres.

"'Pag healing process, 'yung number one priority mo is yourself."

Mahalaga rin na palibutan mo ang iyong sarili ng mga taong tunay na nagmamahal sa 'yo, ayon kay Carlo.

"Talagang kailangan mong i-surround 'yung sarili mo sa mga taong magsha-shower sa 'yo ng pagmamahal. 'Yung mga kaibigan, 'yung pamilya mo," aniya.

Para rin kay Maris, makakatulong din kung iiwasan at kakalimutan mo muna ang taong nagdulot ng sakit sa iyo habang ikaw ay nasa moving on stage pa.

ADVERTISEMENT

"Help yourself. Kalimutan mo na muna 'yung tao, and then eventually, kapag sobrang healed ka na at wala ka na talagang hinanakit, pwede na kayong maging friends... Kung ibibigay ng universe at ipagtagpo ulit kayo. Pero sa ngayon, kapag nagmu-move on ka pa, 'wag na muna. Kasi ang hirap nun eh," ani Maris.

Samantala, sa programa ay natanong din ang dalawa kung payag ba silang magbigay ng second chance sa taong nakarelasyon na nila.

"Siguro depende doon sa napagdaanan niyo. Hindi naman kailangan na may kasalanan, pero depende siguro kung papaano 'yung naging relationship niyo nung kayo pa. Para ma-justify mo na pe-puwede ulit, pe-puwede kong i-try ulit with this someone. Pero kung sobrang bigat ng pinagdaanan, parang mahirap na," sagot ni Carlo.

Saad naman ni Maris: "Ayaw. Ayaw ko ng second chances eh. Kasi for you guys to be over, that means may pangit na nangyari. But depende sa breakup, like, kung mutual understanding naman, for career and stuff, and then in the future okay kayo, baka... I don't know. Depende sa anong nakatakda sa 'yo.

"Pero kunyari in a relationship kayo tapos may kasalanan 'yung isa and humihingi ng second chance at mahal mo pa, pwede naman i-work. Depende sa inyo."

ADVERTISEMENT

Mapapanood ang buong episode dito:

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.