‘Misis Piggy’ director Carlo Catu on working with Sylvia Sanchez: ‘Napakabuti ng puso ni Tita Ibyang’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Misis Piggy’ director Carlo Catu on working with Sylvia Sanchez: ‘Napakabuti ng puso ni Tita Ibyang’

‘Misis Piggy’ director Carlo Catu on working with Sylvia Sanchez: ‘Napakabuti ng puso ni Tita Ibyang’

Rhea Manila Santos

Clipboard

As the man behind iWantTFC ’s latest series Misis Piggy, writer and director Carlo Enciso Catu explained why he cannot take all the credit for the new family drama.

“Hindi sa akin galing yung title, galing siya sa original story natin kay Lilith Reyes. Yung story na ‘to is really based on the original story of Lilith Reyes. Nung nabigay ito sa akin, ako lang yung director. Pelikula pa ito eh before the pandemic. And then nag-pandemic and everything and napunta na siya sa isang proseso and ang ending, ako na yung magsusulat.

“Alam ng mga kaibigan ko na napakalapit ko sa nanay ko and I’m very close sa family ko. Masasabi ko na napakadikit niya sa kuwento ng pamilya ko. Sa kuwento ng nanay ko, sa kuwento ng mga kapatid ko. So feeling ko napaka-real nung atake namin dito. Medyo umi-indie nga yung atake natin minsan eh. In a way na, ‘parang naririnig ko ’to sa kapitbahay, parang ganito kami mag-usap,’ he shared.

According to direk Carlo, Misis Piggy’s theme is that of the dynamics found in a Filipino family. The talented director said the project is dedicated to his own mother.

ADVERTISEMENT

“It’s really a love letter to my mom. Nung sinusulat ko ito kasama ko yung kapatid ko si Gia. So may mga moments na binabasa talaga namin yung mga lines. Binabangga namin siya sa totoong kuwento ng buhay namin. Sobrang natuwa lang ako na we have these very good actors na natural yung mga linyahan so pag nanuod ka nito, sana lang talaga maka-relate ang bawat isa.

“Napaka-complex ng Filipino families. Base siya sa kuwento ng family ko somehow, loosely based. I think it’s my love letter hindi lang sa mga nanay na makakapanuod, it’s an ode to my mom as well.

“Pero yung aral na mapupulot nila I think it’s the usual aral na kailangan nating pahalagahan yung mga magulang natin. Napaka-clichė pero we are growing up. I think relevant talaga siya not only sa mga moms sa Pilipinas but sa moms na nagmamahal talaga sa pamilya.

“Di ba pag ulirang nanay ka, lalo na pag nagtatrabaho abroad, mostly ang rason ng mga yan is makapag-provide sa family. Ang malaking tanong kasi ni Marivic (Sylvia Sanchez’s character) dito is hindi naman usual na bata pa yung mga anak niya.

“Dito graduate na sila pero nakakapag-graduate ba yung nanay sa responsibilidad nila? Feeling ko yun yung masasagot ng series. Meron bang time sa mga OFW na masasabi nila na, ‘Enough na. Okay na ako sa pagtatrabaho ko at sa pag-po-provide ko sa family ko.’ For sure pangarap ng mga OFW na makauwi ke pangsarili or pangpamilya. But I think this series will have that answer or kahit papano mapapakita niya yung Filipino family and paano ba tayo nagmamahal,” he explained.

ADVERTISEMENT

After casting his lead star Sylvia Sanchez who plays the role of hardworking single mom Marivic, direk Carlo shared his first encounter with the actress on the project.

“I think una kaming nagkita ng physical ni Tita Ibyang sa set na kasi lahat ng pre-production sa Zoom. I remember this vividly, dumating siya dun kamukha niya talaga si Marivic. You just know na siya si Marivic. Pagkatapos nun, napakabuti ng puso ni tita Ibyang, pagkatapos nun yinakap niya ak oat sabi niya, ‘Direk, kung kailangan mo ng take two, take three, kung kailangan mo ng maraming take, sabihan mo lang ako.’ For me, sa galing ni tita Ibyang, sa mga nagawa niya and sino ba naman ako? Para sabihan niya ako na ibibigay nila yung trust nila sa ‘yo, napaka-enjoy ng ginawa,” he recalled.

Watch the iWantTFC series Misis Piggy starring Sylvia Sanchez, Ricky Davao, Ria Atayde, Elijah Canlas, Iana Bernardez, Rubi Rubi, Fino Herrera, Kyle Velino, and Nikko Natividad. Written and directed by Carlo Catu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.