Skusta Clee na-bash at tinawag na cheater habang nagpe-perform | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Skusta Clee na-bash at tinawag na cheater habang nagpe-perform

Leo Bukas

Clipboard

Puro pamba-bash ang inabot mula sa madlang pipol ng vlogger at Ex Battalion member na si Skusta Clee nang mag-perform siya sa unang araw ng two-day music fest na Aurora Fest 2022 na ginanap sa Clark, Pampanga, ilang araw na ang nakakaaan.

Mainit naman na may kasamang hiyawan at palakpakan ang sumalubong kay Zeinab Harake, dating karelasyon ni Skusta nung mag-perform ito the following day.

Kitang-kita sa kumalat na video sa social media ang tindi ng galit ng mga tao kay Skusta habang nagpe-perform ito. Nag-ugat ang naturang galit ng netizens sa rapper-vlogger matapos aminin ni Zeinab Harake na muli na naman siyang niloko nito.

Panay sigaw at mura ang inabot ni Skusta habang kumakanta na mas tumindi pa nang kantahin nito ang “Karma” na ang lyrics ay may tumatalakay sa panloloko at pagtataksil.

ADVERTISEMENT

Ang iba ay hindi na rin napigilang mag-“boo” at taawagin si Skusta na “cheater” habang itinataas nila ang kanilang middle finger.

Ang intense ng crowd, di ba?

Anyway, pagkatapos ng event at makaranas ng pambabatikos ay nag-post naman agad ang rapper sa kanyang Instagram story.

“As long as mas kilala ako ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sakin, okay ako! Wala kong dapat patunayan sa kahit kanino man. I’m just here living my best life. Sa mga tunay na sumusuporta, kapit lang. Mahal ko kayo,” mensahe ni Skusta Clee.

Samantala, sa YouTube vlog ni Ogie Diaz ay nagbigay naman ito ng payo sa ex-couple para sa ikabubuti ng anak nilang si Baby Bia.

“Sana lang pag gumawa ka ng bata o gumawa ka ng responsibilidad, panindigan mo. Itong kay Skusta, kung galit man siya kay Zeinab, kay Zeinab siya galit dapat hindi doon sa bata. Dapat walang kinalaman ang bata, inosente ang bata para idamay. Gawin mo pa rin ang responsibilidad mo bilang ikaw naman ang ama ng bata,” payo ng talent manager.

Dagdag pa nito, “Dapat hindi lang kanta ang pinaninindigan natin. Hindi lang kanta o yung mga lyrics na ginagawa sa mga kantang ginagawa natin ang isinasapuso natin, pati sana yung responsibilidad natin bilang ama, bilang magulang ng bata.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.