Barbie Imperial, inaming pinag-usapan na nila ni Diego Loyzaga ang pagpapakasal noon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barbie Imperial, inaming pinag-usapan na nila ni Diego Loyzaga ang pagpapakasal noon

Barbie Imperial, inaming pinag-usapan na nila ni Diego Loyzaga ang pagpapakasal noon

Leah Bueno

Clipboard

Inamin ni Barbie Imperial na minsan na nilang pinag-usapan ng kanyang dating nobyo na si Diego Loyzaga ang pagpapakasal.

Ito ang bagay na ibinahagi ng aktres sa kanyang bagong YouTube vlog kung saan matapang niyang sinagot kung sino sa kanyang mga ex ang pinakananakit sa kanya.

"Pinaka-nasaktan talaga ako, I think si Diego talaga. Siya 'yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganun. Tapos parang siya 'yung... alam mo 'yung may na-meet kang someone, minsan mo lang ma-feel 'yung akala mo siya na talaga," ani Barbie.

"'Yung parang may mga usap-usapan na kayo na, saan tayo titira, ilang anak. So ayun, may mga conversations na kami about getting married, kung saan kayo titira, mga plans niyo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience 'yun."

ADVERTISEMENT

"So 'yun siguro 'yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa akin kasi plinano ko 'yung buhay ko with him tapos biglang nawala. Pero 'yun, ganun naman talaga. Lessons learned."

Bukod kay Diego, may naging pag-amin din ang aktres sa isa pa niyang dating nobyo na si Ryle Santiago.

Ito ay nang matanong kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na siya ang nanligaw sa isang lalaki.

"Oo naman, jusko. Sa first boyfriend ko, kay Ryle, ako talaga 'yung may gusto sa kanya," pag-amin ni Barbie.

"Tapos nung time na 'yun, GirlTrends. Iba ibang GirlTrends pa 'yung may gusto sa kanya. Medyo may mga kaagaw pa akong GirlTrends noon. Tapos ayun, naipanalo ko naman, ako naman 'yung naging dyowa. Pero hindi pa rin kami nagkatuluyan so ayun."

ADVERTISEMENT

"Well, hindi ko gusto 'yung thought, siyempre lalaki dapat 'yung manliligaw. Pero 'yung experience na 'yun, looking back at it, medyo laugh trip na lang talaga siya."

Sa vlog ay natanong din si Barbie kung sino sa mga exes niya ang nais niyang balikan, kung minsan na ba siyang nagloko sa relasyon, at kung nasubukan na ba niyang makapasok sa motel.

Panoorin ang kanyang vlog dito:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.