Christine Bermas may frontal nudity sa ‘Scorpio Nights 3’; naiyak pagkatapos mapanood ang pelikula
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Christine Bermas may frontal nudity sa ‘Scorpio Nights 3’; naiyak pagkatapos mapanood ang pelikula
Leo Bukas
Published Jul 31, 2022 02:40 AM PHT

Nanginig at hndi napigilang mapaiyak ni Christine Bermas pagkatapos mapanood ang Scorpio Nights 3 sa ginanap private screening nito sa Gateway Cinema nitong Miyerkoles, June 27. Ayon sa sexy star, masaya siya sa kinalabasan ng pelikula at sa natatanggap niyang papuri pagdating sa kanyang pag-arte mula sa mga taong nakapanood nito.

“Actually, nanginig ako! Kasi grabe, hindi ko lubos akalain na… Don sa napanood ko speechless ako sa mga nangyari. Hindi naman namin yon magagawa, yung pinanood natin kung hindi kami ginuide ni Direk,” reaksyon ng dalaga.

Eh, bakit ngaba siya napaiyak?
Eh, bakit ngaba siya napaiyak?
Sagot ni Chrisine, “Siguro dahil.. hindi ko alam na kaya ko pa palang ilabas kung anong meron ako. And na-appreciate ko po lahat ng tao dito… Nag-start naman po ako sa wala.

“I mean, aminado po ako na hindi naman ako mahusay nung nag-start ako. Tapos lahat sila proud sa akin ngayon so kahit sino naman magiging emotional. Pasensiya na po naging emosyonal ako.”

Ang Scorpio Nights 3 na idinirek ni Lawrence Fajardo ay remake ng famous classic erotic franchise na Scorpio Nights na ginawa ni Direk Peque Gallaga noong 1985. Pinagbibidahan ito nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando.

Ang Scorpio Nights 3 ay magpapakita rin kung gaano katapang si Christine na gawin ang mga eksenang kailangan ng nudity sa pelikula. Bukod kasi sa kanyang steamy love scenes with Mark Anthony Fernandez and Gold Aceron ay wala ring takot sa frontal nudity ang dalaga.

“Ano, eh, nandon na ako sa karakter ko, eh. So parang hindi ko na siya inisip na ako yon at all,” katwiran ng sexy star. “So parang kung ano yung kailangan ng karakter, kung ano si Pinay at kung ano yung gagawin ni Pinay yon yung ginawa ko.

“Hindi naman siya same sa real life ko at hindi naman kailangang ma-experience ko muna yung mga ganung bagay bago ko siya mai-arte o magawa sa eksena. Kumbaga, passion mo yung pag-aartista so lalabas at lalabas yon sa sarili mo at kapag na-feel mo na yung karakter mo, kapag nandon ka na sa karakter mo magagawa mo na nang maayos yung eksena at matatanggal lahat ng inhibitions mo,” paliwanag niya.

Dagdag ulit ni Christine, “At saka once tinanggap mo na siya dapat wala ka ng hesitation, wala ka ng doubt. Hindi ka na puwedeng magdalawang isip kasi tinanggap mo na yung project, eh. So all you need to do na lang talaga is gawin siya and bigyan siya ng buhay.”

Nagpasaamat din si Christine kina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron sa ipinakita nilang professionalism habang ginagawa ang maseselang eksena sa pelikula.

“Sobrang gaan nilang katrabaho at sobrang bait nila at marespeto silang dalawa. Hindi ako nakaramdam na parang nagte-take advantage sila or something. Ang dami ko ring natutunan sa kanila at sana makatrabaho ko ulit sila,” sey pa niya.

Okey lang ba sa kanya na tawaging “object of desire” o kaya ay “object of obsession” ng maraming kalalakihan ngayon?

“Naku, kahit naman anong itawag nila sa akin okey lang, wala naman pong problema sa akin,” kaswal at natatawa niyang reaksyon.

Eh, ano naman ang masasabi niya na puro kabastusan lang daw ang mga klase ng pelikulang ginagawa niya tulad nga nitong Scorpio Nights 3 na streaming na sa Vivamax?

“Ay, hindi naman po ganun! Lahat po ng pelikula ay may istorya. Kung ano ang ginagawa ng artista sa pelikula ay naka-base yon sa karakter na na-assign sa ‘yo. Pero kung yon ang opinion nila, nirerespeto ko po yon.

“Ako kasi honestly, hindi ko pinapansin yung mga ganyang comments, eh. Well, thank you pa din sa kanila, pero okey lang naman sa akin kahit may mga ganung comments kasi alam mo yon… parang sila din yung nakakatulong kasi alam mong pinapanood ka nila at meron silang nasasabi sa ‘yo.

“Hindi lang din talaga natin mako-control kung ano yung nasa isip ng ibang tao and lahat naman tayo may freedom kung ano yun gusto nating sabihin. Still, thankful pa din naman ako sa mga taong ganun,” deklara pa ni Christine.