Sean de Guzman gets his first international best actor award in India

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sean de Guzman gets his first international best actor award in India

Leo Bukas

Clipboard

Tinanghal na best actor si Sean de Guzman sa katatapos lang na CHITHIRAM International Film Festival sa India para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Fall Guy na mula sa direkson ni Joel Lamangan. Ito ang kauna-unahang international acting award ni Sean na ipinakilala sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer mula rin sa direksyon ni Lamangan.

Ayon kay Sean, napakagandang balita ang manalo ng acting award na noon ay pinapangarap lamang niya.

“Hindi talaga ako makapaniwala. Totoo ba ito?” masayang pahayag ng binata.

Matatandaan na sa story conference ng Fall Guy na prinodyus ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network ay sinigurado ni Direk Joel na magkaka-award si Sean sa pelikula.

ADVERTISEMENT

“Magkakaroon siya ng award sa pelikulang ito. Sa aking pelikula siya unang nakita, sa Anak ng Macho Dancer, tapos sa Lockdown, at yung mga kasunod pa niyang pelikula na kasama ako,” pahayag noon ng premyadong direktor.

Sa sinabing yon ni Direk Joel ay nakaramdam naman ng matinding pressure si Sean.

“Basta pagbubutihin ko ang trabaho ko. Kinakabahan talaga ako kasi ibang-iba ako dito pero alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Direk Joel,” sabi rin niya noon.

Sa ginanap na international film festival sa India ay nanalo rin ang Fall Guy ng Special Mention for Best International Feature Film para naman kay Direk Joel.

Ipinagmalaki din nya na tama ang naging desisyon niya na kay Sean ipagkatiwala ang pagbibida sa Fall Guy.

“Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Kaya noong ibinigay sa kanya ang proyekto na ito, hindi na ako nagdalawang-isip,” sey ng direktor.

Samantala, bukod sa Fall Guy ay katatapos din lang gawin ni Sean ang pelikulang My Father, Myself kasama sina Jake Cuenca at Dimples Romana. Sa panulat ito ni Quinn Carrillo at sa direksyon ulit ni Joel Lamangan. Katulad ng Fall Guy kung saan kasama rin sa cast sina Cloe Barreto, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Jim Pebangco, Tina Paner, at Glydel Mercado, wala pang malinaw na playdate kung kailan ito ipapalabas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.