Xyriel Manabat, hirap nga ba kumawala sa kaniyang child star image? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xyriel Manabat, hirap nga ba kumawala sa kaniyang child star image?

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

Isa ang former child actress na si Xyriel Manabat sa magiging bahagi ng pinakabagong Kapamilya series na Dirty Linen

Sa naganap na advanced screening ng bagong Kapamilya series, ibinahagi ni Xyriel na labis niyang na-mis ang pag-arte sa telebisyon. 

"Sobrang overwhelming po, bumabalik po ang lahat ng memories ko noon nagta-trabaho po ako noong bata po ako sobrang nakaka-excite and mixed emotions po talaga. Parang may pressure kasi sobrang grabe po 'yung feelings ko," bungad ni Xyriel sa panayam. 

Ayon pa kay Xyriel na bumida sa ilang successful Kapamilya seryes tulad ng Momay noong 2010 at 100 Days to Heaven noong 2011 hindi niya naisip na muli siyang magbabalik-telebisyon para sa isang markadong role sa Dirty Linen kung saan makakasama niya ang ilang bigating bituin. 

ADVERTISEMENT

"Sobra po. Hindi ko rin po kasi ine-expect na mami-miss ko siya ng ganito. Kasi kampante po aso dati na 'Ahh normal life na' tapos ngayon, bumabalik po ako. Grabe ko po pala talaga siya na-miss and grabe ko siya kine-crave," aniya. 



Sa pagdadalaga ni Xyriel, isa sa mga binalikan niya ang kaniyang simpleng buhay bilang isang ordinaryong bata na para sa former child actress ay kaniga pa ring nahabol sa kabila ng pagiging abala noon sa kabi-kabilang showbiz commitments. 

“Happy po ako na nahabol ko po 'yung mga na-miss ko noong bata ako since maaaga po ako nag work like nakapag-school po ako ng dire-direcho  and naka-gala po ako ng wala po akong iniisip na schedule. Nakakagising po ako ng tanghali ng wala akong iniisip na may-taping ako ng maaga and may pull out ako ng ganitong oras. Siguro namiss ko 'yun and parang regular life," ani Xyriel. 

At sa kaniyang pagbajalik ngayon, new image and new packaging of Xyriel ang ibabahagi ng dating child actress na malayo sa nakasanayan ng maraming tao na sumubaybay sa kaniya dati. 

Para kay Xyriel, handa siya sa pagbabago na kaniyang ihahandog sa mga manonood kaya naman less challenging aniya ito para sa kaniya. 

"Sa akin po, hindi naman. Pero siguro sa mga nakakapanood sa akin, sa mga supporters, sa kanila po siguro mahirap. Kasi 'yun po ang tumatak sa kanila eh. So, mahihirapan po siguro silang mag-iba ang image ko sa kanila,” pahayag pa nito sa panayam. 

Malapit na malapit nang mapanood ang Dirty Linen na pangungunahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marrudo at tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.