Maui Taylor, game pa rin bang magpa-sexy? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maui Taylor, game pa rin bang magpa-sexy?

Maui Taylor, game pa rin bang magpa-sexy?

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

"Kaya Pa!" Ito ang pahayag ng sexy actress na si Maui Taylor nang nakapanayam ito ng PUSH at ng ilang miyembro ng entertainment press kung game pa din ba siya na magpa-sexy.

Ayon kay Maui na nakilala bilang isa sa mga pantasya ng kalalakihan, handa pa rin aniya siyang makipagsabayan sa mga new gen na sexy actresses.

"Ako naman, nakikipag compromise naman ako with the directors, sabi ko puwede ko mag side boob pa," reveal ni Maui sa panayam.

Bilang masasabi na beterana siya sa pagpapasexy sa mga pelikula at sa telebisyon, aminado ang actress na mayroon na rin siyang mga limitasyon sa pag-anggap ng sexy roles.

ADVERTISEMENT

"Puwede ako mag kissing scene pa. For me kasi, mas sexy 'yung side boob kaysa sa full boobs, kaya for me sexy 'yun," masayang sambit ni Maui sabay sundot ng, "Kaya pa! Kaya-kaya pa! Pero ‘wag na 'yung sobrang tindi," paliwanag nito.

Naitanong ang tungkol sa pagpapasexy kay Maui kasunod ng tila muling pag-init at pag-tangkilik ng mga sexy movies na napapanood ngayon sa iba't-ibang streaming plaforms.

Ayon kay Maui, isa siya sa mga aminadong minsan nang nakapanood ng sexy films sa digital streaming platform ng VivaMax.

"Oo naman ang dami ko nang napanood. Nakaka-shock!" kuwento ni Maui.

Dito, tila napa-throwback ang sexy actress at di maiwasan na ikumpara ang paraan ng pagpapasexy noon sa paraan ng pagpapasexy ngayon ng mga baguhan na sexy stars.

ADVERTISEMENT

"Noon naman kasing time namin, hindi naman ganun 'yung pagpapasexy e'. Hindi ba?” ani Maui.  

Paliwanag naman ng sexy actress, wala siyang nakikitang mali dito at tila aprubado rin niya ang paraan ng pagpapasexy ngayon.

"Ngayon kasi parang 'ohhhhh' pero kung kaya naman at malakas talaga ang loob nila e 'di go ahead lang. Why not?"

Napanayam ng PUSH at ilang miyembro ng entertainment press si Maui sa naganap na naganap na red carpet premiere ng comedy movie ng Viva Films ang Hey Universe kung saan isa siya sa mga bida.

Ilan lamang sa mga markadong pelikula ni Maui Taylor ay ang Hibla, Gamitan, at Sex Drive na dahilan para maging suki rin siya ng iba't ibang men’s magazines na tinatangkilik noon ng kanyang mga taga-suporta.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.