Erin Ocampo, ipinagmalaki ang namana ni Kiel kay Michael Pangilinan

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Erin Ocampo, ipinagmalaki ang namana ni Kiel kay Michael Pangilinan

Leo Bukas

Clipboard

Si Erin Ocampo ang isa sa mga bida ng pelikulang The Last Resort ng Goblin Films. Nagsimulang mapanood ang pelikula sa website ng Goblin Films sa Setyembre 26, 2023.

Dating miyembro ng Girltrends si Erin bago naging girlfriend ng singer na si Michael Pangilinan. Nagkaroon ng anak ang dalawa – si Kiel – na 8 taon na ngayon.

May breast exposure ba siya sa The Last Resort na pinagbibidahan din nina Paolo Paraiso at Oliver Aquino? 

Ang nasabing pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Jay Altarejos. 

ADVERTISEMENT

“Abangan niyo po!” natatawang sagot ni Erin sa ginanap na mediacon ng pelikula.

 “Hindi po siya actually (breast exposure) normal to me, kasi hindi talaga ako pumayag about don,” dagdag  ni Erin.

 “Kasi siyempre, hindi naman po kami nakikipagkumpitensya sa kabila [Vivamax]. So kaya ko rin po tinanggap ang movie na ito, kasi maganda talaga ang story. And 'yung paggawa po namin, siyempre, hindi na rin maiiwasan 'yung mga… lalo na 'yung part namin ni Paolo Paraiso. Grabe madugo po talaga 'yun,” lahad ng dating Girltrends member.

Ayon pa kay Erin, meron pa rin siyang limitasyon sa mapangahas na eksena sa pelikula.

“I’m still a mom. And 'yung anak ko, sobrang… pagdating sa pagdadamit ko, ‘Mom, your dress is inappropriate! Like … change!’ Ganun siya. He’s turning 8 na this coming December,” rason niya.

ADVERTISEMENT

Nagpaalam ba siya sa anak na si Kiel na may ganito siyang klaseng pelikula?

“Hindi. Hindi! Hindi na po. Hindi ko na lang sinabi sa kanya. Pero siyempre, hindi natin alam. Mamaya paglaki niya, pag nanonood na siya, makikita at makikita niya," ani pa niya. 

“So as much as possible naman po kasi… I’m doing films like this pero hindi po 'yung paganun na. Kasi meron din po akong teleserye ngayon. Hindi ko po nili-limit ang sarili ko sa mga pwede kong gawin,” sabi pa niya.

Nakikitaan ba niya ng interes mag-showbiz si Kiel?

“Hindi ko pa po masabi. Pero ngayon, school muna. Pero hindi ko masabi, ang galing kumanta!”

ADVERTISEMENT

“Mana sa tatay niya, ang taas ng boses. Nakuha kay Michael [Pangilinan] ang boses, eh. Tapos nagpe-painting din. Nakuha naman sa akin ang kamay. Matalino. Honor student. Nasa international school siya ngayon kasi,” pagmamalaki ni Erin.

Kumusta na ba ang relasyon nila ngayon ni Michael at 'yung mag-ama?

“Nasa kanya po ngayon. Every week, nakukuha niya. Every Wednesday to Friday, nasa kanya. Okay na po,” kuwento ni Erin.

Wala na rin daw isyu sa pagitan nila ni Michael?

Aniya: "Actually, I’m very happy for him. Di ba, may baby girl na siya? (kay Garie Concepcion). Na parang … kumbaga kahit ano yung pinagdaanan namin in the past, kahit na hindi maganda, siyempre, di ba?" 

ADVERTISEMENT

“Like ganun talaga. Nangyayari talaga 'yun sa totoong buhay. Kung iisipin mo nga, worse pa 'yung sa iba, di ba?” So growing up naman, hindi kami nagkulang ni Michael how to explain it to him na, ‘Ganito, mom and dad are best friends. Like they have their different lives,'" saad pa niya. 

Pagpapatuloy pa ni Erin" “May mga tanong siya while growing up na unti-unti naming ine-explain sa kanya. Kasi, nature na yon ng bata. Parang nagwa-wonder siya, ‘May mom at dad ako pero hindi ko sila nakikita nang buo.’”

Magkasundo sa co-parenting set-up sina Erin at Michael. Kumusta naman ang  financial support ni Michael sa anak nila?

 “Sa financial support, kasi, same pa rin naman po. Ganun pa rin. Parang ako, sabi ko na lang sa kanya, ‘Sige, huwag na.’ Kasi andami na naming issues before, di ba?” pagtatapat niya.

 “Hindi na ako nag-demand sa kanya ng kahit ano. Basta 'yung school ng bata, tulungan kaming dalawa. International school, eh. Hanggang college,” pahayag ni Erin.

ADVERTISEMENT

Okay lang ba sa kanya ang blended family?

“Ako po, okay ako dun. Na parang… darating ang time na magkakasama kami sa family day. Alam mo 'yun? Kasi, normal na 'yun, eh," sambit niya. 

“Matagal ko na po 'yung ino-offer sa kanila. Lalo na kay Michael. Matagal ko na 'yung ino-open na, ‘O, kung may problema kay Garie na magpa-family day tayo, pwede mo naman siyang isama.’ Ganun, para… hindi ko naman intensyon na kaya magpa-family day, para mag-rekindle kami," sey ni Erin. 

 “Ang tagal na panahon na 'yun! Ang akin lang, pinaka-concern ko lang is yung anak ko. Na kahit man lang once a month, di ba? Ma-feel niya na, ‘Ah, buo ang family ko.’ Kasi that’s all that matters talaga, pagdating sa bata na lumalaki," huling pahayag ni Erin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.