Julia Barretto, itinangging nagtaray siya sa presscon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Julia Barretto, itinangging nagtaray siya sa presscon
Paulea Jence Benoza
Published Oct 26, 2023 02:10 PM PHT

Itinanggi ng aktres na si Julia Barretto na nagtaray siya sa isang press conference para sa pelikulang Will You Be My Ex? na ginanap noong Hunyo.

Sa now-deleted video na ibinahagi ng blogger na si Cliff Irvine, tila nainis daw si Julia sa ilang miyembro ng press dahil tila maingay ang mga ito habang ginaganap ang nasabing media conference.

Habang dini-discuss ang pelikula, pabirong sinabi ni Julia, “Pero alam mo feeling ko, ang daming gustong mag-join sa presscon eh. Baka gusto nila tumabi na rin sa amin… Ang ingay eh.”

Ngunit ayon sa pahayag ng aktres, hindi ang mga miyembro ng press ang sinasabihan niya kundi ibang tao na nandoon din sa restaurant kung saan ginanagap ang conference.

“Hello. This is false. I was pertaining to some people who seemed not to be mindful of the ongoing event, NOT the PRESS. Media conferences are always the space for us to have conversations with our friends from the press. We were tying to answer their questions and it was getting a bit difficult to hear each other,” paliwanag niya.

“Also, this was back in June for Will You Be My Ex. Why now? Anyway, next clickbait…”

Pinatotohanan naman ito ng showbiz reporter na si Nherz Almo sa kanyang post sa Facebook.

“So medyo viral ang eksenang ito from #WillYouBeMyEx presscon noong June 2023. Ito naman ay kuha ko mismo sa media conference. TBF [to be fair], hindi media ang maingay sa puntong ito kundi yung staff ng Botejyu dahil malapit lang ito sa open kitchen nila. Paano ko nalaman? I was there,” aniya.

“Kaya rin ako lumipat sa gitna kasi doon ako nakaupo malapit sa kitchen.”
“Kaya rin ako lumipat sa gitna kasi doon ako nakaupo malapit sa kitchen.”
ADVERTISEMENT
Gumanap si Julia bilang si Chris sa pelikulang Will You Be My Ex? ng Viva Films kasama ang kanyang leading man na si Diego Loyzaga (Joey).

Parte rin ng cast sina Bea Binene, Mickey Ferriols, Phoemela Baranda, Benj Manalo, at iba pa.

Mapapanood ang Will You Be My Ex? sa online streaming platform na Prime Video.

Read More:
Diego Loyzaga
Mickey Ferriols
Phoemela Baranda
Julia Barretto
Benj Manalo
Cliff Irvine
Julia
Chris
Bea Binene
Will You Be My Ex
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT