Sinu-sino ang mga nominado sa EDDYS?
ADVERTISEMENT
Sinu-sino ang mga nominado sa EDDYS?
Leo Bukas
Published Oct 04, 2023 08:47 PM PHT

Anim na aktress ang mga nominado sa Best Actress category ng 6th edition ng The EDDYS o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa Oktubre 22, 2023 sa EVM Convention Center.
Maglalaban-laban for the Best Actress category sina Kim Chiu (Always), Max Eigenmann (12 Weeks), Janine Gutierrez (Bakit ‘Di Mo Sabihin), Nadine Lustre (Greed), Heaven Peralejo (Nanahimik ang Gabi), at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).
Magkakalaban naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room), Baron Geisler (Doll House), Noel Trinidad (Family Matters), Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi), at JC de Vera (Bakit ‘Di Mo Sabihin).
Sina Mylene Dizon (Family Matters), Matet de Leon (An Inconvenient Love), Althea Ruedas (Doll House), Ruby Ruiz (Ginhawa), at Nikki Valdez (Family Matters) naman ang mga nominado for Best Supporting Actress.
Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters), Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi), Soliman Cruz (Blue Room), Sid Lucero (Reroute), at Dido dela Paz (Ginhawa).
Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang Bakit ‘Di Mo Sabihin ng Firestarters at Viva Films; Blue Room mula sa Heaven's Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service, at Fusee; Doll House ng MavX Productions; Family Matters ng CineKo Productions; at Nanahimik ang Gabi mula sa Rein Entertainment
.
Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House), Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room), Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin), Nuel Crisostomo Naval (Family Matters), at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi).
Ang EDDYS 2023 awards night ay iho-host ni Piolo Pascual mula sa direksiyon ni Eric Quizon. Producer nito ang Airtime Marketing Philippines at may delayed telecast ito Oktubre 28 sa NET25.
Walo ang napili ng EDDYS na Icon honorees ngayong taon. Sila ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez, at Nova Villa.
Kabilang din si Piolo sa mga gagawaran ng Isah V. Red Award kasama sina Herbert Bautista at Coco Martin bilang pagkilala sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.
Igagawad naman ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayong si Aster Amoyo.
Ang beteranong manunulat at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.
Producer of the Year na naman ang Viva Films, habang ang Rising Producer of the Year ay igagawad sa MavX Productions.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspapers at online sites sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People's Journal.
Narito ang mga nominado sa walo pang kategorya ng 6th EDDYS:
BEST SCREENPLAY
Anna Isabelle Matutina (12 Weeks), Mel Mendoza del Rosario (Family Matters), Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi), Onay Sales-Camero (Doll House), Racquel Villavicencio (Lampas Langit)
BEST CINEMATOGRAPHY
Neil Daza (Blue Room), Yam Laranas (Greed), Tom Redoble (Doll House), Noel Teehankee (An Inconvenient Love), Moises Zee (Nanahimik ang Gabi)
BEST PRODUCTION DESIGN
Marxie Maolen Fadul (Blue Room), Marielle Hizon (Nanahimik ang Gabi), Erik Manalo (Doll House), Cheska Salangsang (An Inconvenient Love), Elfren Palpan Vibar Jr. (Family Matters)
BEST EDITING
Vanessa de Leon (Blue Room), Michael Lacanilao and Anna Isabelle Matutina (12 Weeks), Noah Tonga (Doll House), Noah Tonga (Mahal Kita Beksman), Moises Zee (Nanahimik ang Gabi)
BEST MUSICAL SCORE
Teresa Barrozo (An Inconvenient Love), Pipo Cifra (Katips), Jesse Lasaten (Doll House), Jazz Nicolas and Mikey Amistoso (Blue Room), Emerzon Tecson (Mahal Kita Beksman)
BEST SOUND
Aizen Andrade (How to Love Mr. Heartless), Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks (Nanahimik ang Gabi), Janina Mikaela Minglanilla and Michael Keanu Cruz (Blue Room), Immanuel Verona (Reroute), Immanuel Verona and Fatima Nerikka Salim (LiveScream)
BEST VISUAL EFFECTS
BB Studio (Deleter), Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor, Geraldine Co (LiveScream), Gaspar Mangarin and Walter Monte (Reroute), John Anthony Wong (Nanahimik ang Gabi), Visual Magic (Bahay Na Pula)
BEST THEME SONG
“Aking Mahal" (Mamasapano: Now It Can Be Told), composed and sung by Atty. Ferdinand Topacio
"Hihintayin Kita (Broken Blooms), composed by Louie Ignacio and sung by Jeric Gonzales
"Nais Ko" (Yorme: The Isko Domagoso Story), composed by Joven Tan
"Sa Hawak Mo" (Family Matters), composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena
"Unang Araw ng Pag-iisa" (Blue Room), from the poem of Jeng Plata, composed by Mike Dagnalan and sung by Rebel Rebel
Read More:
Paulo Zarate
Marielle Hizon
Richard Gomez
Louie Ignacio
Eric Quizon
Nonie Buencamino
Max Eigenmann
Elijah Canlas
Janine Gutierrez
Barbara Perez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT