PANOORIN: JM de Guzman at Donnalyn Bartolome, nag-date
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: JM de Guzman at Donnalyn Bartolome, nag-date
Push Team
Published Nov 13, 2023 11:41 PM PHT

Ipinasilip ng aktor na si JM de Guzman ang nakakakilig na first date nila ng kanyang nililigawan na celebrity vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, ibinahagi ni JM na matagal siyang naghintay bago pumayag si Donnalyn na lumabas kasama siya.

“Pumayag na siya. Matagal kong hinintay ‘tong araw na ‘to. Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol sa date na ‘to. Simula Mayo 2022 pa lang, hindi ang sagot niya,” kuwento ni JM.

“Sinubukan ko sa ‘Can’t Say No’ challenge na ginawa gamin. ‘Can’t Say No’ pero nag-no pa rin siya,” aniya. “Kung paging kaibigan lang ang kayo niyang ibigay sa akin, kuntento na ‘ko, makasama ko lang siya. Ay hindi… Liligawan ko siya," dagdag niya.

Pagpapatuloy pa niya: “Niligawan ko siya. Dalaw ako nang dalaw. Baka sakaling dumating ‘tung araw na pumayag na siya. Lumipas ang isang taon at dalawang buwan, Hunyo 2023, pumayag na siya.”

Sa video, makikitang hinarana ni JM si Donnalyn sa bahay nito bago nag-date ang dalawa sakay ng isang private yacht.

Matatandaang Oktubre nitong taon nang inamin ni JM ang nararamdaman niya para kay Donnalyn sa press conference para sa seryeng Linlang.

"Isa niya po akong tagahanga… May gusto ako sa kanya," pag-amin ni JM. “Sobrang bait. Sobrang headstrong, wise, responsable and independent," dagdag pa niya.

Matapos nito ay inamin ni JM na nililigawan niya si Donnalyn sa kanyang guesting sa Magandang Buhay kasama si Kim Chiu.

Nang tanungin kung sinagot na ba siya ni Donnalyn, sagot ni JM: “Hindi pa eh. Tagal ko nang nanliligaw. Baka naman?"

Taong 2022 nang simulang ma-link ang dalawa matapos na sorpresahin ni Donnalyn si JM sa kaarawan nito.

Sa interview ng PUSH, iginiit ni JM na willing to wait siya sa matamis na “oo” ni Donnalyn.

“Siyempre, ‘pag may gusto kailangan ipaglaban,” natatawang katwiran ni JM.

“Hindi ko alam, eh... Na-i-inspire ako sa kanya… She’s a very caring person, very sincere, sobrang mabait. … Napapawi ang inip ko pag nakikita ko siya,” sabi pa niya.

Bago si Donnalyn, 29, ay huling na-link si JM, 35, sa kanyang dating leading lady na si Barbie Imperial. Naka-relasyon din ng actor ang actress na si Jessy Mendiola na ngayon ay kasal na sa TV host na si Luis Manzano.

Sa ngayon ay isa si JM sa bida ng sikat na seryeng Linlang kasama sina Kim at Paulo Avelino. Napanood din siya kamakailan sa Netflix film na What If kasama si Alessandra de Rossi.

Read More:
Donnalyn
Alessandra de Rossi
Jessy Mendiola
Donnalyn Bartolome
JM de Guzman
JM
Paulo Avelino
Kim
Linlang
Magandang Buhay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT