Bretman Rock, nag-all out sa pag-caroling

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bretman Rock, nag-all out sa pag-caroling

Clipboard

Nagbigay ng all out performance si Hawaii-based Filipino internet personality Bretman Rock kasama ang "Jingle Beks."

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng social media star ang pangmalakasan niyang dance performance habang kinakanta ang Christmas song na "Jingle Bells."

Hataw kung hataw ang 25-taong gulang na personality habang sinasabayan ang viral video ng mga Filipino teens na sinasayawan ang kanilang pinangangarolingang bahay.

“Namamasko po ang mga bakla b*tch !! 🎄🇵🇭💃🏽 ,“ saad ni Bretman sa kaniyang caption.

ADVERTISEMENT

Binigyan din ni Bretman ng kakaibang entrance ang kaniyang reenactment sa video.

“Namamasko po b*tch! The f*ck! Alright baklas, let’s do this!” ani ni Bretman pagkatapos katukin ang kaniyang camera na tila nagsilbing pinto ng kanilang pinapangarolingan.

Sinariwa rin ng Filipino internet sensation ang kaniyang mga alaala noong panahong nangangaroling pa siya kasama ang mga kaibigan sa Pilipinas.

“Girl this gave me major throw backs to forcing all my friends to carol with me cuz I wanted to sing and dance so bad 😭😭” banggit pa ni Bretman sa kaniyang caption.

Ibinahagi rin nito na matagal na siyang nakakatanggap ng tags sa viral video.

ADVERTISEMENT

"also I have been getting tagged in this video for years hahah love the Caroling Divas," wika ni Bretman.

Aliw na aliw naman ang mga celebrity followers at fans ng social media star.

“Ay ang daming makukuha nito sa envelope 🔥🔥🔥,” ani ni Pinoy Big Brother host Bianca Gonzalez.

Nagkomento rin ang aktres na si Bea Alonzo, “Christmas dance concert with the Caroling Divas!😍.”

Hindi naman napigilang magkomento ng maraming laughing while crying emojis si "Amakabogera" singer at Kapamilya star na si Maymay Entrata.

ADVERTISEMENT

“Omg you nailed it 😂 love you!” komento din ni Filipino-American singer at Pussycat Dolls member na si Nicole Scherzinger.

“Yall left no crumbs 🔥,” banggit naman ng actress at host na si Denise Laurel.

Nagrequest naman si Filipino-American filmmaker at actress na si Rachel Leyco ng another performance sa social media personality.

“BAKLA SANTA BABY NEXT 😂😭👏🏽,” hiling nito.

Tila magbibigay naman ng kaniyang pamasko si Filipino drag queen at Drag Race Philippines season 2 first-runner-up Arizona Brandy.

ADVERTISEMENT

“pasend nalang ng gcash,” pabirong komento nito.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang isa sa mga original dancers sa viral video na tinampok ni Bretman sa kaniyang post.

“Thank you @bretmanrock for featuring us—the Jingle beks! Hoping to remake the video with you in person!😭❤️,” saad nito.

Ibinahagi rin ni Bretman sa kaniyang Instagram story na bente minuto niyang kinabisado at prinactice ang viral performance.

Kinagilawan naman ng followers ni Bretman ang kaniyang post.

ADVERTISEMENT

“Hindi sabay sabay! Ay naku! From the top!” pabirong sabi ng isang netizen.

“@jaimeee_lara Hindi po kase hinayagan ni mama na mag practice sa gabe,” sagot naman ni Bretman.

Sa ngayon, umabot na sa lagpas 9 milyon ang views at aabot ng anim na daang libong likes ang "Jingle Bells" performance ni Bretman.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.