Seth Fedelin, nagsalita sa umano’y panggagaya niya kay Daniel Padilla | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Seth Fedelin, nagsalita sa umano’y panggagaya niya kay Daniel Padilla
Paulea Jence Benoza
Published Feb 01, 2023 04:21 PM PHT

Nag-react ang Dirty Linen star na si Seth Fedelin sa isyu ng umano’y panggagaya niya sa kapwa aktor na si Daniel Padilla.

Sa “Spill or Swallow” challenge ng PUSH Bets Live — kung saan lumabas si Seth para i-promote ang kanyang bagong serye — inamin ng aktor na naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya umano si Daniel, na tinuturing niya bilang kuya.

“Uhm siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako. Nagpagupit na nga ako eh oh, [para hindi na kami makumpara],” biro niya.

“Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit?” paliwanag niya. “[Pero] okay lang. I’m thankful pa rin.”

Bukod dito, sinagot din ni Seth ang tanong kung mayroon bang namamagitan sa kanila ng kanyang onscreen partner na si Francine Diaz.

“Meron, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me,” ani Seth.

“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganun ang pagkakaibigan namin.”

Gayunpaman, sa tanong kung single ba siya ngayon, agad na sumagot ng oo si Seth.

Samantala, ibinahagi naman ni Seth ang kanyang excitement na mapabilang sa cast ng hit primetime serye na Dirty Linen, kung saan gumaganap siya bilang si Nico.

“[Sa seryeng ‘to], halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho. Mga senior actors, sila kuya Z (Zanjoe Marudo), sila Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre… Marami pa, which is sa ‘kin parang ano ‘yun eh, challenge,” ani Seth.

“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao doon eh.”

Ayon pa kay Seth, bukod sa Dirty Linen ay marami pa umanong dapat abangan ang kanyang fans ngayong taong 2023. “Malay natin, magkaroon tayo ng pelikula,” saad niya.

Kasama ni Seth na bumida sa Dirty Linen sina Francine, Janine Gutierrez, at Zanjoe Marudo. Napapanood ang serye gabi gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Samantala, ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Read More:
Seth Fedelin
Daniel Padilla
PUSH Bets Live
Francine Diaz
Francine
Zanjoe Marudo
Seth
Janine Gutierrez
Dirty Linen
Nico
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT