Coco Martin may isang ‘maling desisyon’ na pinagsisisihan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin may isang ‘maling desisyon’ na pinagsisisihan

Coco Martin may isang ‘maling desisyon’ na pinagsisisihan

Leo Bukas

Clipboard

Hindi naging madali para sa actor-producer na si Coco Martin na marating kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon sa entertainment industry.

Katakot-takot na sakripisyo at pagtitiis ang naging susi bago siya naging Coco Martin na nirerespeto at hinahangaan ngayon ng kanyang mga kapwa artista at mga iba pang mga kasahaman sa industriya.

Sa grand media conference ng bagong programa ni Coco sa ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo, nagbalik-tanaw ang aktor kung paano siya nagsimula sa showbiz.

“Sabi ko nga, hindi ko naman pinangarap maging artista. Siguro sa pakikipagsapalaran, sa kahirapan ng buhay noong nakakita ako ng oportunidad na dito ako kikita, sinamantala ko 'yung pagkakataon," ani Coco. 

ADVERTISEMENT

“Hindi ko talaga siya tinitignan na parang gusto ko talagang maging artista, basta ang tingin ko dati raket lang ito, basta kikita ako, titirahin ko iyan,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Coco: “Pero noong nakita ko na hindi na siya raket, noong napamahal na sa akin 'yung trabaho ko, nakita ko na parang may oportunidad pala na maging totoo siyang hanapbuhay. Kaya pinahalagahan ko siya at talagang nakinig ako, inaral ko kung paano talaga maging propesyon itong bagay na ito."

“'Yung pagiging direktor, siguro sa pagiging interes ko sa mundong ginagalawan ko o sa industriyang ito hindi ko namamalayan na 'yung mga panahon na nagsisimula ako,” pagbabahagi pa nito. 

Walang formal training sa pagdidirek si Coco. Natutunan lang daw niya ang lahat dahil sa panoood niya sa mga taong nasa likod ng camera. Sila raw ang nakaimpluwensiya para pasukin niya ang mundo ng pagdidirek.

“Hindi kasi ako 'yung tipo ng artista na nakatambay sa tent at makikipagkuwentuhan sa mga kapwa artista ko. Mahilig ako na nasa labas, ang kakuwentuhan ko 'yung mga staff at cameraman," ani Coco. 

ADVERTISEMENT

“Tapos lagi akong nakikinig kung paano nagbibigay instruction 'yung direktor, pati 'yung mga writers kung paano nila binubuo 'yung script at 'yung kuwento. Hindi ko namamalayan na nakakapag-aral na pala ako noon, dahan-dahan," dagdag pa ni Coco.

“Kaya dumating y'ung point na nag-aartista ako, sabi ko sa sarili ko, siyempre kapag artista ka, isa sa mga pangarap mo na sana balang-araw maging direktor ka,” pagre-recall pa ulit niya.  

Inamin din ng aktor na ang pagdidirek ang isa sa “pinakamaling desisyon” na ginawa niya sa kanyang buhay dahil sa bigat ng responsibilidad na kaakibat nito.

Sabi ni Coco: "Ang pinakamali ko sa buhay ko noong pinasok ko na 'yung pagdidirek. Napakahirap pala niyang responsibilidad. Hindi siya ganun na makakapagdirek ka, ayon na 'yun, pero hindi," saad niya. 

“Sabi nga nila, ikaw yung kapitan ng barko, kapag nagkamali 'yan, kung ano man ang mangyari, ikaw at ikaw ang may kasalanan diyan. Ngayon, ang problema ko sa sitwasyon ko ngayon, nahahati ako, dahil ako yung artista, ako 'yung nag-iisip ng kuwento," saad ni Coco. 

ADVERTISEMENT

“Minsan ako rin 'yung nagsusulat, ako rin 'yung nagdidirek, tapos ako rin 'yung nagla-line prod nitong production na ito.  Kaya ang nangyayari, magkakalaban siya. Ang pagiging creative at saka producer, number one na magkalaban 'yan," dagdag ni Coco. 

“Kasi mag-iisip ka ng kuwento para palakihin pero ikaw rin 'yung magpipigil sa sarili mo para paliitin (ang budget). Kaya ang hirap-hirap ng sitwasyon," ani pa ni Coco. 

“Siguro sa awa ng Diyos at sa pagmamahal ko sa trabahong ginagawa ko ngayon, nakakaya naman po," pagtatapos nito. 

Magsisimula na ang airing ng FPJ’s Batang Quiapo ngayong Lunes, February 13. Mapapanood ito sa TV5, A2Z at mga Kapamilya channels pati na rin sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Makakasama ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo sina Charo Santos-Concio, Lovi Poe, John Estrada, Christopher de Leon, Irma Adlawan, Cherry Pie Picache, pati na ang ilang sikat na Tiktokerists at social media influencers at mga rap artists.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.