Ogie Diaz isa-isang sinagot ang panunumbat ni Willie Revillame

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ogie Diaz isa-isang sinagot ang panunumbat ni Willie Revillame

Leo Bukas

Clipboard

Nagbigay na rin ng reaksyon ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz sa naging panunumbat sa kanya ng TV host na si Willie Revillame.

 Sa kanyang Facebook post ay nagpasaring na rin si Ogie sa TV host dahil sa panunumbat nito sa mga natulungan niya.

 “Kayo ang may utang na loob sa akin!” buladas ni Willie na ang tila tinutukoy ay si Ogie, “Sabeeee???!!!!” sagot naman dito ng talent manager.

 "Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya.

ADVERTISEMENT

 “Nabunutan na siya ng tinik. Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.

 “In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa. At nakaginhawa sa kanyang mental health.

 “Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n'yo against you pag nangyari yon.

 “At ‘wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n'yong masumbatan balang-araw,” dagdag pang pahayag ni Ogie.

 Sinagot din ng talent manager ang tungkol sa ₱50K na ibinigay sa kanya ng TV host.

ADVERTISEMENT

 Aniya, “Oh, by the way. 'Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din.

 “Tapos, idiniretso ko din sa Kasuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko.

 “Thank you, ha? Malaking tulong 'yon.”

 Sa kabila ng ginawa ni Willie ay wala naman balak si Ogie na sumbatan ang TV host sa tulong na nagawa niya noon dito.

 “Kung may isusumbat sa kanya? Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat. Pag ginawa mo nang kusang loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo 'yon as time goes by. Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa.

ADVERTISEMENT

 “Alangan namang isa-isahin ko sa kanya ang pagtatanggol ko sa kanya noon, eh, ginawa ko naman yon nang kusang loob at deserve naman niyang maipagtanggol.

 “Yun ba, tatapatan ko pa ba 'yon ng presyo? Hindi na. Kulang ang 50k. Baka abutin yon ng 51k,” saad niya.

 Samantala, sa YouTube channel ni Ogie na Showbiz Update ay isa-isa rin niyang sinagot ang iba pang mga naging patutsada ni Willie na kaugnayan kay Vice Ganda, sa diumano’y pag-alis sa kanya ng mga talents, hindi niya pagtulong sa Siargao nung panahon ng kalamidad at iba pa.

 “Tapos ibabalik pa niya yung Wowowee days na nando’n daw ako sa likod at nag-aano ako ng poster ni Vice Ganda para i-promote. Willie, hindi naman mabubuhay ang show lang dahil sa ‘yo. Kailangan mo ng suporta ng ibang mga nakapaligid, ng ibang mga artista kahit na mga baguhan.

 “Kung sikat na sikat ba si Vice noon magge-guest siya? Siyempre hindi, dahil may sarili siyang show, di ba?

ADVERTISEMENT

 “Eh, ikaw ba nagka-Wowowee ka kaagad? Hindi rin naman, nag-guest ka rin noon kung saan-saan. So hindi mo puwedeng isumbat yung nagawa mo. Ayaw mo ba nung nakatulong ka?” tanong niya sa TV host.

 Sa tanong kung bakit daw siya iniwan ng talents, may sagot din dito si Ogie.

 “Hindi po ako iniwan. Maayos po kaming naghiwalay. Si Vice Ganda ay almost five years kami at hanggang ngayon ay magkaibigan kami ni Vice. Kasi pinili namin yung nauna naming relasyon na magkaibigan kami kesa maging manager-talent.

 “Pangalawa, si Liza Soberano ay natapos na ang kontrata sa akin. Eleven years lang naman kaming nagsama ni Liza bilang manager-talent.

 “Hindi ako iniiwan. Pareho naming desisyon yon, mutual ang desisyon,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT

 Nagpasaring din si Ogie na bakit daw ang mga co-host ni Willie ay hindi rin tumatagal sa programa niya, kahit pa yung mga stand-up comedian. Dapat daw ay alamin din ni Willie na baka may problema sa side niya.

 “Ayoko nang umabot sa ganito talaga. Ang daming ganyan. Madami pa akong alam na parang… At this point of my career, sa edad kong ito hindi na para tilad-tilarin ko pa kung ano ito.

“Pag pinapahiya on air bahagi ba ng pagpapatawa yon? Hindi ko naman papayagan na ganyan-ganyanin ako ng main host. Ay naku, mahirap na lang magsalita,” sambit pa niya.

 Tungkol naman sa pagtulong sa mga tao sa Siargao ay nagkomento din si Ogie.

 “Ako po ay miyembro ng Kasuso Foundation mula pa 2006.” Mine-maintain din ni Ogie ang opisina ng Dugong Alay Dugtong Buhay.

ADVERTISEMENT

 “Hindi lang pagbaba lang sa Siargao ang pagtulong. Malawak ang kahulugan ng pagtulong, hindi lang sa panahon ng bagyo at kalamidad. Sa panahon din na hindi nila kailangang humingi pero nararamdaman na kailangan silang tulungan at suportahan.

 “Natulungan ko rin naman siya in some ways. Nagkatulungan naman kami at nagpasalamat naman ako sa kanya.

 “Grabe ha, ang talas ng memorya ni Willie. Talagang natatandaan niya yung mga naitulong niya sa tao. Natatandaan niya lahat ang ibinigay niya sa mga tao,” sey pa ni Ogie.

 Sa patutsada ng TV host na inaapi siya at kinanawawa dahil sa isyu at sa pamba-bash ay may hirit din si Ogie.

 Kawawa at inaapi?

ADVERTISEMENT

 Aniya, “Hindi ka inaapi. Wag kang mag-gaslight. Walang umaapi sa yo. Sa yaman mong yan, sa sobrang blessed mo na yan hindi ka inaapi. Wag mong maramdaman yung hindi naman ginagawa sa ‘yo.

 “Di ka nila inaapi. Nagre-react lang sila sa sinasabi mo. Kung inaapi ka, eh, di dapat nilalait mula ulo hanggang paa yung pagkatao mo,” deklara pa ng content creator at talent manager.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.