Janice De Belen, mas kaiinisan pa sa ‘Dirty Linen’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janice De Belen, mas kaiinisan pa sa ‘Dirty Linen’

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

Isa ang aktres na si Janice de Belen sa mga karakter na inaabangan gabi-gabi sa Kapamilya series na "Dirty Linen ".

Si Janice ay ang gumaganap na ilaw ng tahanan ng pamilya Fiero na si Leona. Isa ang kanyang karakter sa mga nagbibigay ng kakaibang timpla sa mga hooked na hook sa Dirty Linen dahil sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang karakter.

Sa naging panayam ng PUSH kay Janice, aminado ang veteran actress na kahit siya mismo ay nagugulat sa positibong reaksyon ng mga manonood sa kanilang proyekto.

"Of course we are all very happy and grateful sa pagtanggap ng mga tao sa show. Ginagawa pa lang 'yung pilot, excited na kami sa magiging reaction ng mga tao sa kanya," masayang sambit ni Janice sa PUSH.

ADVERTISEMENT

Bukod sa positive reviews ng audience sa kanilang mga roles, isa rin sa pinupuri ng netizens at audience ng Dirty Linen ang level up take ng mga eksena na masasabi nang puwede na rịn isabay sa international streaming platforms.

"Kung ang damit at music ay nag-e-evolve, dapat talaga pati teleserye nag-iiba na rin," ani Janice. "Nakikita rin naman natin that even Western and Korean shows are also changing the formula kaya dapat, sumabay din tayo."

Talking about her character naman na sentro rin ngayon ng memes sa social media, inamin ni Janice na sadyang relatable ang mga eksena na ito  sa masa na bahagi rin ng masasabi na pag-evolve ng mga teleseryes.

"Ang maganda dun, characters are now shown as real people, too. Hindi na lang laging martyr o mabait which is [what] I like about kasi it gives more room for growth," ani ng aktres.

Pigil man sa pagbibigay ng detalye, isiniwalat ni Janice na marami pang aabangan na pasabog ang audience sa kanilang panunuod ng Dirty Linen pagdating rin sa kanyang karakter.

ADVERTISEMENT

"Dapat nilang abanagan ang bawat development ng bawat character kasi, unti-unti mo silang makikitang nag-grow," saad ni Janice.

"Kung tatanungin naman kung marami rin ba siyang isisiwalat na misteryo sa pamilya Fiero," paliwanag ni Janice: "Ang dami pa mangayayari, kasi kahit kami naka-abang sa script kung ano ba talaga ang mga pasabog na mapapanood sa mga darating na gabi," pahayag ng aktres.

Bukod kay Janice, bahagi rin ng Dirty Linen ang iba pang mga premyadong bituin na tinututukan gabi-gabi gaya na lamang nina Tessie Tomas, Joel Torre, Epi Quizon, at Angel Aquino.

Kasama rin ang new generation of stars na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, Zanjoe Marudo at Janine Gutierrez na nagbibgay ng kakaibang timpla sa kani-kanilang mga karakter. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.