Angeline Quinto, inaming nagkaroon ng offer noon na lumipat ng network
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Angeline Quinto, inaming nagkaroon ng offer noon na lumipat ng network
Inamin ng singer-actress na si Angeline Quinto na nagkaroon siya ng offer noon na lumipat sa ibang TV network.

Sa relaunch ng kanyang baby products line na Twinqle noonh Huwebes, Marso 30, ibinahagi ng Kapamilya celebrity mom ang nangyari.

"Many times," natatawang sagot ni Angeline nang tanungin ng press ang tungkol sa offer. "Honestly nangyari 'yan, buhay pa mama ko. Yes, buhay pa po mama ko 'nun."

"At may franchise pa noon?" tanong ng media. "Pasara pa lang po," ani Angeline.
"At may franchise pa noon?" tanong ng media. "Pasara pa lang po," ani Angeline.
ADVERTISEMENT
"Then 'nung nalaman ko 'yun, inisip ko agad kasi syempre, naririnig rinig ko na mawawalan ng franchise dati so 'yun, una kong tinanong ang Mama Bob. Sabi ko, 'Ma, kung sakaling mabigyan ako ng ibang offer sa ibang network. Papayagan mo ba ako?' Ayaw niya. Ayaw ng mama ko," dagdag pa ni Angeline.

Pagpapatuloy niya: "Tapos 'dun ko rin naisip talaga na sabi ko malaki talaga ang utang na loob ko sa ABS-CBN kasi dahil sa kanila, diba, nung right after po na naging winner ako ng Star Power 'nung 2011, 'dun naman talaga nagsimula 'yun nabigyan din ako ng pagkakataon na makapunta ng abroad dahil sa ASAP din. 'Dun po nagstart 'yun eh. Makapag-America. Makapag-ibang bansa. So from doon, nagawa ko rin madala ang mama. Ma-itravel siya sa iba't ibang lugar dahil sa pagkanta ko.

"So 'yun 'yung naisip ko kaya sabi ko baka hindi ko muna tanggapin," pagbabahagi niya .

Samantala, focused naman ngayon ang 34-year-old celebrity mom sa kanyang baby na si Sylvio. Maaalala na nanganak si Angeline noong Abril 27, 2022. Bagama’t wala pang isang taon ang anak ay marami na raw na-achieve na milestones ang kanyang anak.

Kwento niya: “Madami na po. Pero ang unang unang na-witness ko po talaga ‘yung nagsalita siya ng ‘mama’ at nandoon ako.”

“Parang hindi ko alam ‘yung magiging pakiramdam. Gano’n pala talaga. Naiiyak ako sa tuwa. Nang narinig ko, gusto ko siyang paulit. ‘Ano ‘yun Sylvio?’ ‘Mama, mama.’ Tapos sabi nila, ‘Ay nako, mas magiging malapit sa’yo ‘yan kasi unang tinawag ka,’” aniya.

Marami rin daw naging realizations si Angeline ngayong isa na siyang ganap na ina.

“Hindi po pala talaga madali ang maging nanay. ‘Saka ‘yung pagiging nanay, parang hindi siya kailangan paghandaan pa kasi ako, sa totoo lang po, ‘nung pinanganak ko si Sylvio, takot na takot akong hawakan siya kasi ang liit liit," ani Angeline.

“Tapos sabi sa’kin ‘nun isang nurse na nagbantay po sa’kin sa ospital, ‘Ma’am, hindi kita tuturuan. Subukan mo lang.’ Tapos ‘dun, pagbuhat ko sa kanya, marunong pala ako. ‘Yung mga gano’ng bagay na ang pagiging nanay pala talaga, automatic ‘yan. ‘Pag nakita mo ‘yung bata, magagawa mo lahat,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagiging hands-on mommy at singer, active rin ngayon si Angeline sa kanyang baby products business na Twinqle.
Nang tanungin kung bakit ni-relaunch ito, sagot ni Angeline: “Kasi po, di ba naglaunch na tayo last year? So meron mga products po talaga na medyo nadelay, medyo natagalan din po makuha namin. So inipon muna namin. Sabi ko ‘Saka natin i-launch talaga kapag sure na tayong kumpleto na.'”

Ilan sa mga bagong produkto ni Angeline ang baby wash, atopic soothing lotion, outdoor spray for babies, at stretchmarks oil at scar serum na perfect para sa mga mommies.