Coco Martin inaming ni-reject din noon ng ABS-CBN dahil sa ‘bold actor’ image | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin inaming ni-reject din noon ng ABS-CBN dahil sa ‘bold actor’ image

Leo Bukas

Clipboard

Ibinahagi ni Coco Martin sa presscon ng pelikulang Apag ang ilan sa mga naranasan niyang rejections bilang artista noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz industry. Binalikan niya ang mga panahong na-reject siya sa ilang TV projects ng dahil sa image niya noon bilang “bold actor.”

Hindi inakala ni Coco na makakatawid siya sa mainstream mula sa pagiging indie actor at makakapasok sa ABS-CBN. Sa TV network ay higit na nakilala ang pangalan ni Coco dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano na tumagal ng pitong taon at ngayon naman ay sa FPJ’s Batang Quiapo.

“Noong nagsisimula ako sa indie films, yung ginagawa namin ni direk Dante (Brillante Mendoza) nu’n, lalo na yung first movie ko, Masahista, tapos medyo matured, ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin noon, bold actor, sexy star. Yon talaga ang ano nila sa akin,” balik-tanaw ni Coco.

Nag-inquire raw ang ABS-CBN noon kay Direk Dante at gusto siyang kunin para maging ka-love triangle nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT

“Siyempre, si Direk Dante, excited na excited kasi mabibigyan ako ng trabaho, eh. Dahil alam naman natin na pag sa TV, ‘ung ang tinatawag ng mga artista na bread and butter, di ba? Na talagang may regular na income ka. Pag sa pelikula kasi, ngayon meron, tapos medyo matagal, wala.

“Siyempre, excited kami na makakapasok na ako sa TV. Kumbaga, magkakaroon na ako ng regular show,” tsika ng ABS-CBN’s Primetime King.

Pero ang ending, hindi raw inatuloy dahil nga bold actor siya.

“Biglang binalikan kami, ang sabi, ‘Direk, si Coco Martin pala ay bold actor. Eh, alam mo naman, medyo conservative kung ila-love triangle kay Shaina saka kay Rayver.’ Kami naman, parang, ‘Eh di, okay, di next time,’ ganyan,” patuloy ni Coco.

After a few months ay nakatanggap na naman sila ng inquiry from ABS-CBN. This time, para sa soap opera naman ni Judy Ann Santos. Ang role raw niya ay isang gay na magiging best friend ni Juday.

ADVERTISEMENT

“Sabi ko, ‘O sige, laban ako diyan, basta may trabaho.’ Tapos, binalikan na naman si Direk Dante, ‘Direk, pasensya na. Eh sexy actor pala si Coco Martin,’ ganyan-ganyan, alam mo naman sa TV, medyo conservative,’ ganyan,” pagre-recall ng aktor.

“Honestly, na-hurt ako do’n. Kasi, sabi ko sa sarili ko, ang taas ng tingin ko sa trabahong ginagawa ko. Hindi ko siya tinitingnan na parang itong proyektong ‘to, gagawin ko ‘to, maghuhubad ako, magpapakita ako ng katawan kasi gusto kong sumikat. Hindi yon.

“Ginagawa ko ang isang role o yung project na yon dahil naniniwala ako sa respeto ko sa trabahong ginagawa ko. Kahit ano pa yan,” patuloy ni Coco.

Pagkatapos daw no’n ay sinabi niya sa sarili na ayaw na niyang pumasok sa TV.

“Kasi sabi ko, kung ayaw nila sa akin, eh, di huwag. Hindi ko naman ipinagpipilitan ang sarili ko, eh. Sila ang nag-i-inquire sa akin, ang masakit, nakakatikim ako ng rejection. Ang baba ng tingin nila sa akin, pero ang taas-taas ng tingin ko sa trabahong ginagawa ko,” aniya.

ADVERTISEMENT

Hanggang sa sinabi raw sa kanya ni Jaclyn Jose na ilang beses na rin niyang nakasama sa indie films na gusto siyang kunin ni Direk Andoy Ranay sa isang show nito sa ABS-CBN, ang Ligaw na Bulaklak. Tinanggihan na raw niya dahil nga sa mga naranasan niyang pagre-reject.

Pero sinabihan daw siya ni Jaclyn na, “Nak, pagbigyan mo na ‘ko, isa na lang. Kapag hindi pa natuloy ‘tong project na ‘to, ‘wag ka nang mag-TV kahit kailan.”

Sinunod naman daw niya si Jaclyn at natuloy na nga ang proyekto hanggang sa magtuluy-tuloy na ang project niya sa ABS-CBN.

“Do’n ako nag-start. Do’n ako napansin na binigyan ako ni Direk Andoy Ranay ng pagkakataon. Do’n ako napansin ng Channel 2 na magdire-diretso na yung trabaho ko ngayon sa network, sa ABS-CBN,” he recalled.

Samantala, laking tuwa ni direk Brillante na nakatrabaho niyang muli sa isang pelikula ang kanyang protégé. Nang napunta na kasi si Coco sa mainstream ay naging magkaiba na ang kanilang direksyon pero masayang-masaya raw siya sa success ng aktor.

ADVERTISEMENT

Si Coco pa mismo ang nag-presinta sa Apag dahil nga sa biglang pagba-back out ni Aljur Abrenica na siyang bida sana sa movie.

Ang Apag ay isa sa official entries sa Summer Metro Manila Film Festival ng Centerstage Productions and Hong Kong International Film Festival Society. Showing ito on April 8, 2023 at kasama rin sa pelikula sina Shaina, Jaclyn, Lito Lapid, Gladys Reyes, Mark Lapid, Mercedes Cabral, Vince Rillon, and Ms. Gina Pareño.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.