Bruno Mars to hold two-night concert in the Philippines after 5 years | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bruno Mars to hold two-night concert in the Philippines after 5 years
Leo Bukas
Published May 23, 2023 01:51 AM PHT

Babalik ng Pinas si Bruno Mars para muling mag-concert. Unang bumisita sa bansa ang Filipino-American at multi-winning Grammy artist noong 2011 para sa kanyang “Moonshine In Manila” tour.

Taong 2018 ay muling nag-concert sa Pinas si Bruno para naman sa Manila leg ng kanyang 24K Magic tour

Magpe-perform naman sa ikatlong pagkakataon si Bruno sa Pinas para sa kanyang Pinoy fans pagkatapos ng limang taon. Naka-sched ang unang gabi ng kanyang concert sa June 24, 2023.

Isang gabi lang dapat ang concert niya pero due to insistent public demand, nagdesisyon ang concert organizer na dagdagan pa ng isang gabi ang pagtatanghal niya sa Pinas.

Ibig sabihin, ‘yung audience na hindi maa-accommodate sa June 24 dahil na-sold out na agad ang tickets ay may pagkakataong mapanood si Bruno Mars sa June 25. Gaganapin ang concert sa Philippine Arena sa June 24 and June 25.

Samantala, very proud si Bruno sa kanyang roots bilang isang Pinoy. Puerto Rican ang ama ni Bruno at Pinay naman ang kanyang ina. Sa Hawaii ipinanganak si Bruno.

Ayon sa Grammy awardee, chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Nag-donate din siya ng US$100,000 bilang tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Kabilang sa mga worldwide hit songs ni Bruno ay ang “Billionaire,” “Just the Way You Are,” “Treasure,” “Leave the Door Open,” “When I Was Your Man,” at marami pang iba.

Bukod sa pagiging isang magaling na singer and performer ay hinangaan din ng buong mundo si Bruno dahil sa kanyang pagiging prolific songwriter.

Previously, nagkaroon na rin ng matagumpay na concerts sa Phiilippine Arena ang ilang international singers tulad ng K-Pop group na SEVENTEEN at BLACKPINK. Nakapag-perform na rin sa naturang concert venue si Harry Styles.

Anyway, para sa tickets at iba pang katanungan tungkol sa concert ni Bruno Mars ay, bisitahin ang https://bruno.livenation.ph/

Read More:
bruno mars
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT