RK Bagatsing aminadong nai-insecure sa relasyon nila ni Jane Oineza

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RK Bagatsing aminadong nai-insecure sa relasyon nila ni Jane Oineza

Leo Bukas

Clipboard

Hindi ikinaila ni RK Bagatsing na nakakaramdam siya ng insecurities sa relasyon nila ng kapwa Kapamilya star na si Jane Oineza.

Hindi daw ito maiaalis sa isang kagaya niya na may dyowang artista rin.

“Of course, you always want to please your partner, hindi ba? And not most of the time alam mo na ito bang ginagawa ko eh, kumokonekta sa kanya o nagpapasaya sa kanya.

“So may mga days na you would want to be in your toes, keeps you on your toes na I have to be better, I have to better in this aspect,” pahayag ni RK nang mag-guest siya sa isang episode ng Magandang Buhay.

ADVERTISEMENT

Aniya pa, “So parang sinasabi ko minsan na insecurity ko na maybe I am not enough sometimes, kaya I need to be better. I need to catch up. ‘Yun yung insecurity.

“Yun ‘yung takot ko…enough ba ako? Yun yung insecurity ko na kailangan kong patunayan na I am always the right guy for you (Jane),” sabi pa ni RK.

Ayon naman kay Jane, “Kung may ganu’n siya, ako naman yung I tell him every day na you are enough or I am happy I am with you, you make me feel loved, yung mga ganu’n.”

Hiningan din si Jane ng mensahe para kay RK. “I am just really proud of everything you are achieving right now. Kahit na nabu-busy tayo, ibig sabihin lang nu’n ay ang ganda rin ng takbo ng career mo.

“Nakakatuwa na pareho kaming busy. Sana tuloy-tuloy ‘yon. Sana hindi ka magsawa sa akin at ‘yung mga araw na hindi natin nase-celebrate, ang promise ko ay babawi ako all the time,” wika ng dalaga.

ADVERTISEMENT

Buwelta naman ni RK kay Jane, “Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi lang akong nasa tabi mo supporting you. Maraming sumusuporta sa iyo, you have so many fans na sobrang happy sa tinatahak ng career mo, but don’t get twisted.

“Nasa likod lang din ako shouting parang every cheer for you, kasi alam ko na matagal mong hinintay yan, matagal mong ipinagdasal. So, I am always rooting for you and loving you no matter what.”

Last May 3 ay nag-celebrate sina RK at Jane ng kanilang second anniversary bilang magdyowa.

Napapanood ngayon si RK sa primetime series na FPJ’s Batang Quiapo, habang bibida naman si Jane sa upcoming Kapamilya drama ba Nag-aapoy na Damdamin kasama sina JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.