Kim Chiu ikinalungkot ang pamamaalam ng mga hosts ng ‘Eat Bulaga’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kim Chiu ikinalungkot ang pamamaalam ng mga hosts ng ‘Eat Bulaga’
Leo Bukas
Published Jun 02, 2023 11:44 AM PHT

Bagama’t isa si Kim Chiu sa host ng It’s Showtime ay nagpahayag din siya ng pagkalungkot at panghihinayang sa pamamaalam ng Eat Bulaga! main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey De Leon (TVJ) sa TAPE Inc. at GMA-7 na nangyari nitong May 31, 2023.

Ang Eat Bulaga! ang itinituring na longest running variety show sa bansa na tumagal ng 44 na taon sa telebisyon.

Ayon kay Kim, kahit na magkatapat ang kanilang show ay suportado pa rin niya ang TVJ dahil isa rin siya sa milyun-milyong Filipino na nakikisimpatya sa nangyari sa Eat Bulaga.

Dagdag pa ni Kim, kahit pa raw anong mangyari ay mananatiling mataas ang respeto niya sa tatlong haligi ng entertainment industry.

“Change is nandiyan talaga yan, eh. Parang hindi naman natin mababago yan. And then yung, high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman,” pahayag ni Kim nang makausap siya ng PUSH at ilang entertainment press sa mediacon para sa bago niyang endorsement, ang Sisters Sanitary Napkin.

“Susuporta at susuporta. Walang tao na hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila.

“Kung ano yung desisyon nila and whatever is happening sa… anong tawag diyan, sa base nila, it’s for them,” dagdag pang sabi ni Kim.

Ayon pa ng dalaga, sa halip na maghilahan pababa, kailangang magsuportahan ang bawat miyembro ng showbiz industry para na rin sa ikauunlad ng lahat.

“But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila magpunta, and that’s what they need also, the support. Lahat naman tayong mga artista kailangan natin yung suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa, we have to push (forward),” giit niya.

Aminado naman si Kim na bago pa siya nag-artista at maging bahagi ng Pinoy Big Brother ay naging bahagi rin ng kanyang kabataan ang Eat Bulaga.

“Of course, of course, yung respeto natin sa kanila nandu’n talaga, sila talaga yon,” pag-amin pa niya.