Joshua Garcia, open sa pakikipag-date sa older women
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Joshua Garcia, open sa pakikipag-date sa older women
Francisco Juniour Escuadro
Published Jun 03, 2023 05:23 PM PHT

Emotional stability. Ganito kung ilarawan ngayon ng aktor na si Joshua Garcia ang isa sa mga qualities na hinahanap niya sa kaniyang susunod na ka-relasyon.

Sa bahagi ng panayam ng entertainment press sa aktor sa naganap na media conference ng kaniyang newest project na Unbreak My Heart, ibinahagi ni Joshua na posible aniya itong makita sa mas nakatatandang babae sa kanya.

“Oo naman, I mean ako kasi 25 years old turning 26 next year, naghahanap na ako ng mas deeper connection, emotionally stable. Parte na dun ang pagiging masaya ‘yung exciting love part pero mas deeper connection ang hinahanap ko talaga ngayon,” ani Joshua.

Matatandaan na kamakailan lang, inihayag ni Joshua sa isang panayam ng CinemaNews na single siya at contented ngayon after ng tila naudlot na relasyon niya sa social media personality na si Bella Racelis.

Ayon sa aktor, bahagi ng kaniyang desisyon na maging single muna ay para bigyang priority ngayon ang sunod-sunod na proyektong dumarating sa kaniyang career.

"Kasi hindi ako magaling mag manage ng time ko and alam ko baka masayang lang ang oras niya sa akin. Iba pa kasi priority ko ngayon, parang may sariling anak—focus muna sa goal," paliwang ng aktor sa panayam.

Sa bahagi rin ng panayam noon, hindi rin aniya isinasara ang posibilidad na magmahal muli, pero sa ngayon isa lang muna ang ultimate goal niya ngayon.

"Kung meron darating ‘di ba, ‘di mo rin masabi kasi baka nagsasalita tapos kung may darating why not. Pero kung… Kasi minsan baka mas okay na magkaibigan lang kayo kahit na, sh*t gusto ko siya maging girlfriend, ang ganda niya, may ganun! Tapos in love ako sa kaniya, baka mas okay na lang na magkaibigan kayo.”

Sa bahagi ng usapin ng buhay pag-ibig, isa rin sa naitanong kay Joshua ay kung ano ang reaksyon niya sa usap-usapan ngayon na planong pagpapakasal ng kaniyang ex-girlfriend na si Julia Barretto sa nobyo nito na si Gerald Anderson.

“Oh they’re planning to get married?” ani Joshua.

“Hindi ko alam (‘yan) bago sa akin ‘yun, ngayon ko lang narinig ‘yan. Pero kung saan sila masaya, support ako don,” sambit ng aktor.

Kung tatanungin rin kung may komunikasyon pa rin ba sila ni Julia, sagot ng aktor: “Medyo matagal na rin kaming hindi nag-usap, pandemic pa, parang separate ways na talaga kami. Masaya na kami sa iba’t ibang ginagawa namin.”

Hindi man nabibigyan ng pagkakataon na makapag-usap, naniniwala si Joshua na naging maayos ang paghihiwalay nila ng landas ni Julia.

“Oo nasabi ko ‘yan sa interview ko. Kung mayroon man, siya ‘yung unang pumapasok sa isip ko,” ani aktor.

Sa huli, mariin din sinabi ng aktor na masaya siya ngayon sa kaniyang buhay single.

“Masaya ako ngayon. In love ako sa trabaho ko ngayon, very in love.”

Bukod sa Unbreak My Heart na collaboration ng ABS-CBN, GMA-7, at Viu, umarangkada na rin sa Amazon Prime streaming app ang suspense-thriller movie ni Joshua na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan.

Read More:
Joshua Garcia
Joshua
Julia
Julia Barretto
Unbreak My Heart
ABS-CBN
Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan
GMA7
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT