Awra Briguela arestado matapos masangkot sa bugbugan sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Awra Briguela arestado matapos masangkot sa bugbugan sa Makati

Awra Briguela arestado matapos masangkot sa bugbugan sa Makati

Paulea Jence Benoza

Clipboard

Arestado si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra matapos nitong masangkot sa rambulan sa Poblacion, Makati City nitong Huwebes ng umaga, June 29.

Sa ulat ng CNN, sinasabing nagsimula umano ang kaguluhan matapos na komprontahin ng grupo ni Awra, 19, ang complainant na si Mark Christian Ravana sa isang bar sa Poblacion.

Ayon sa salaysay ni Ravana sa pulisya, inutusan umano siya ng grupo ni Awra na alisin ang kanyang damit pang-itaas ngunit tumanggi siya at lumabas ng nasabing bar. Ikinagalit umano ito nina Awra at sinundan siya palabas kung saan nangyari ang suntukan.

Batay pa sa kwento ni Ravana, sa gitna ng kaguluhan ay pinunit pa umano ni Awra ang kanyang damit.

ADVERTISEMENT

Taliwas naman ito sa kwento ni Awra sa matalik niyang kaibigan na si Riva Quenery na agad siyang pinuntahan sa police station sa Makati kung saan siya naka-detain.

Ayon umano sa kwento ng aktor, ipinagtanggol niya lamang ang kasama niyang kaibigan laban sa grupo ng mga lalaking nanghipo rito. Hindi rin umano siya ang unang nanuntok.

Kwento pa ni Riva, nagtamo umano ng malaking bukol sa ulo si Awra at may mga pasa rin siya sa likod.

"[Ni] hindi man lang siya sinuri o ipinagamot nang maayos," aniya.

Paliwanag naman ni Southern Police District Director B/Gen. Kirby Kraft sa ABS-CBN News, naaresto si Awra matapos niyang maging agresibo at pagmumurahin ang mga pulis na agad na rumesponde sa komosyon.

"Inabot natin itong suspek at 'yun nga po nagkaroon pa rin ng komosyon. Pumapalag siya so with that apprehend na po siya ng ating Makati City police," ayon kay Kraft.

Kasalukuyang nahaharap ngayon si Awra sa mga kasong physical injuries, alarm and scandal, direct assault, at disobedience of person in authority.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.