Rendon Labador, nag-public apology kina Coco Martin at Michael V. | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rendon Labador, nag-public apology kina Coco Martin at Michael V.

Leo Bukas

Clipboard

Humingi nang paumanhin ang social media influencer na si Rendon Labador kina Coco Martin at Michael V kaugnay ng mga offensive niyang naging pahayag sa dalawa nitong mga nagdaang mga araw.

Ginawa ni Rendon ang public apology kina Coco at Michael V sa pamamagitan ng isang video post sa kanyang Facebook account.

 Simula niya: “Gusto ko pong humingi ng apology, gusto ko pong humingi ng pasensya sa lahat po ng Pilipinong nasaktan at naging emotional sa mga nangyayari sa social media.”

Pero kaagad ding idinagdag ni Rendon na hindi raw ito nangangahulugan na titigil na siya sa pagsasalita tungkol sa ibang mga celebrities na makikitaan niya ng mga sablay sa kanilang mga ginagawa.

ADVERTISEMENT

“Hindi ko po maa-assure kay Michael V, kay Coco Martin at sa lahat mga celebrity or atletang nadadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet. Hindi ko po ma-a-assure na hindi ko po kayo masasaktan ulit,” aniya. 

“Pasensya na for being too straightforward. Ganu’n talaga ako pinalaki ng aking mga magulang,” lahad pa niya.

Iginiit din ng social media influencer na dala lang daw ng kanyang pagiging ‘straightforward’ kung bakit nagiging masakit ang kanyang mga binibitiwang komento.

“Straight talaga ako magsalita. Hindi ko kayo bobolahin. Sasabihin ko sa inyo ang totoo. ‘Yun ‘yung mga standard ko sa buhay na hindi ko kayang baguhin para sa inyo,” saad niya. 

“Pasensya na kung masyado kayong naging emotional, I’m just here to help. I’m just here to motivate you. Yung pure motivation gusto kong ibigay sa inyo,” katwiran pa niya.

ADVERTISEMENT

 “Sana matigil na ang fake news, sana mag-level up tayo, sana huwag na tayong masyadong maging madamdamin, sana lumaban tayo,” aniya. 

“So, maraming, maraming salamat sa mga nakaintindi. Sa mga hindi nakakaintindi, huwag kayong mag-alala, hindi ako titigil hangga’t hindi kayo mag-improve. Hangga’t hindi kayo lumakas,” patuloy na pahayag ni Rendon.

Matatandaang naging mainit na topic noon sa socmed ang pambabatikos ni Rendon kay Coco dahil sa balitang marami umanong nagrereklamong vendor na nawalan sila ng kita nang mag-taping ang FPJ’s Batang Quiapo sa kanilang mga pwesto sa Quiapo, Manila.

Pinag-usapan din nang ang pagtawag ni Rendon kay Michael V ng “laos” na nag-ugat lamang sa content issue.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.