David Chua nilinaw ang estado ng relasyon nila ni Devon Seron

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

David Chua nilinaw ang estado ng relasyon nila ni Devon Seron

Push Team

Clipboard

Nilinaw ng aktor na si David Chua ang estado ng relasyon nila ng kanyang GoodWill co-star at aktres na si Devon Seron.

Sa panayam nito sa PUSH Bets Live, sinagot ni David ang isyu sa pagitan nila ni Devon matapos mapansin ng mga netizens na tila in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.

“Kami ni Devon, okay kami. Nagkaroon kami ng tampuhan, months ago ata, weeks ago. Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasan ‘yun sa… hindi relasyon eh. Siguro relasyon namin parang kami lang ‘yung nagkakaintindihan ngayon,” paliwanag niya.

Aminado si David na siya ang unang nag-unfollow kay Devon kung kaya’t in-unfollow din siya nito sa Instagram.

ADVERTISEMENT

“Hindi kami magkaaway. May konting hindi pagkakaintindihan lang sa isang bagay. So aminado ako, ako unang nag-unfollow. Tapos maya maya, siyempre siguro nakita niya in-unfollow ko siya, in-unfollow din niya ako,” kwento niya.

“Pero nag-usap kami, ‘Hoy ba’t mo ‘ko in-unfollow?’ ‘Eh ba’t mo ‘ko in-unfollow din?’ ‘Fa-follow na ba kita?’ Pero ‘di pa rin kami [naka-follow sa isa’t isa]. Siguro inaantay niya ako mauna.”

Paglilinaw ni David, bagamat espesyal sa kanya si Devon ay hindi pa sila pormal na magkasintahan.

“Hindi ko siya girlfriend, hindi niya ‘ko boyfriend. Dumating ako sa time na nanunuyo ako sa kanya, pero nanggaling kasi kami pareho sa relasyon na parang masyado kaming nasakal. So ayaw namin ibalik parehas sa ganung klaseng relasyon kung anong meron kami,” aniya.

“Special sa akin si Devon. Kung may taong alam ng sikreto ko, si Devon ‘yun. Kung may taong alam ang sikreto ni Devon, ako ‘yun. So ang relasyon namin, hindi lang kami magkaibigan,” sabi pa niya. “Pero hindi pa kami umabot sa level na nagkakaroon ng intimacy. Wala pa kami sa level na ‘yun. Hanggang dun muna kami.”

ADVERTISEMENT

Ayon sa aktor, sa ngayon ay nais muna nila ni Devon na mag-focus sa kani-kanilang karera at sa show na GoodWill. 

“Sabi namin, oh nandito tayo sa GoodWill. Gawin muna natin kung anong dapat sa trabaho natin. Hindi naman mawawala ‘yung pagmamahalan eh, andyan lang ‘yan. So [mag-focus] muna tayo sa trabaho natin, sa craft natin habang may opportunity. ‘Yun muna, ganun muna,” aniya.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Devon, alam mo kasi ‘yung style ko hindi ako nanliligaw.’ Kasi kapag nanliligaw ka, best foot forward eh. Hayaan mong makita mo ‘yung ugali ko, makita ko ‘yung ugali mo. Malay mo magustuhan mo ako — sana naman ‘di ba — doon tayo mag-usap ulit. Just go with the flow muna kami,” saad pa niya.

Napapanood sina David at Devon bilang sina Lloyd at Sarah sa sitcom ng Net25 na GoodWill. Kasama rin sa palabas sina Smokey Manaloto, Raymond Bagatsing, Kat Galang, at James Caraan.

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad