Marian Rivera handa na sa syuting ng ‘Rewind’; may task kay Zia na bantayan si Sixto

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marian Rivera handa na sa syuting ng ‘Rewind’; may task kay Zia na bantayan si Sixto

Leo Bukas

Clipboard

Bukod sa ginagawang bagong TV series ay magsisimula na rin si Marian Rivera kasama ang husband niyang si Dingdong Dantes na magsyuting ng pelikulang Rewind. Ang reunion project ng dalawa ay isa sa unang apat na pelikulang napili ng 2023 Metro Manila Film Festival Selection Committee para maging opisyal entry ng festival na magsisimula sa December 25, araw ng Pasko.

 

Ang Rewind ay produced ng ABS-CBN Film Productions Inc. mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Co-producer din ng pelikula ang APT Entertainment at ang Agosto Dos Media na production company ni Dingdong.

 

Dahil sasabak sa kabi-kabilang trabaho, mahalaga para kay Marian na inihahanda ang kanilang mga anak na sina Sixto at Zia sa pansamantala niyang pagkawala sa kanilang bahay sa tuwing nasa trabaho siya.

 

Maaga pa lang daw ay kinokondisyon na niya ang kanyang mga anak sa ganitong sitwasyon para makapag-adjust ang mga ito.

 

“Mahalagang-mahalaga na wala pa man, hindi pa man nangyayari, nabibigay ko na yung schedule ahead of time sa kanila. Mas maganda kasi na sinasabi mo sa mga bata. Hindi yung one week before aalis na pala ako, may taping na pala ako.

 

“So, mas maganda, months pa lang alam nilang magwo-work si mama. Handa ang isip at puso nila na mawawala ako,” paliwanag ni Marian nang huli siyang makausap ng PUSH sa launch ng Blanc Pro kung saan siya ang brand ambassador.

 

Proud at masaya din ang aktres na at this point ay napaghahabilinan na raw niya ng mga household chores ang panganay nila ni Dingdong na si Zia. Kuwento pa ni Marian, matagal na raw niyang pinapaliwanag sa mga anak na magiging busy siya sa work.

 

Ani Marian, “Siguro maganda na open yung communications ko sa kids. Kahit bata pa sila ine-explain ko sa kanila, ‘Ito ang gagawin ni Mama. Ito yung mga times na wala si Mama. Ito yung mga times na free si Mama. Masamahan ko, makakapasyal tayo.’”

 

Kahit bata pa ang dalawa nilang anak ay nauunawaan na rin naman daw nila ang kanyang mga sinasabi lalo na nga at seven years old na rin naman ang panganay nilang si Zia.

 

“I’m very open to my kids, especially si Zia. Si Zia kasi medyo matured na talaga mag-isip. Naiintindihan na niya,” lahad pa ni Marian. 

 

Patuloy ng aktres, “So pag wala ako, sasabihin ko sa kanya, ‘Bahala ka sa kapatid mo ha. Ikaw ang tatayong Mama ni Sixto pag wala si Mama.’ May mga ganung conversation na kami.”

 

Bale four months lang naman na hindi niya palaging makakasama ang mga anak. Pero siyempre, kapag walang schedule, may time pa rin naman si Marian para maka-bonding ang kanyang dalawang kids at ang kanyang mister.

 

“Pagkatapos ko naman magawa yung trabaho ko babalik din ako agad bilang hands on mom. Mabilis lang naman. Four months lang. 

 

“And then after, go back na uli kami. Back to routine na uli ako sa kanila sa school. So, naintindahan naman nila,” huling pahayag ng asawa at leading lady ni Dingdong sa Rewind.

 

Samantala, palaging bukambibig ni Marian na super excited siya sa muling pagsasama nila ni Dingdong sa pelikula at sa pakikipagtrabaho niya sa direktor ng pelikula na si Mae Cruz-Alviar.

 

“Ang dami ko talagang magagandang naririnig sa kanya. Kahit si Dong ang dami rin niyang kuwento sa akin, kaya mas lalo akong nai-excite ngayon to work with her,” excited na pahayag ni Marian.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.