Pablo at Josh ng SB19, trending ang version ng ‘The Iron Heart’ OST | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pablo at Josh ng SB19, trending ang version ng ‘The Iron Heart’ OST

Push Team

Clipboard

Wala nang aawat sa kasikatan ng P-pop boy group at sinasabing Kings of P-pop na SB19.

Kakatapos lang ng kanilang two-day concert sa Big Dome kung saan featured ang kanilang mga bagong kanta sa EP nilang Pagtatag.

Noong July 3 ay nilabas na ang inaabangang version ng leader ng grupo na si Pablo at ng vocalist nilang si Josh Cullen ng original soundtrack ng The Iron Heart na “Sino Ka Ba” para sa bagong season nito. Maalalang ang unang kumanta ng theme song ay ang Idol Philippines season 2 grand winner na si Khimo Gumatay.

Nag-trending ang hashtag PABLOxJOSH TheIRONHEART OST sa Twitter para ipakita ang suporta at excitement sa naging atake ng dalawang miyembro sa kantang ito. 

ADVERTISEMENT



Ang kanta naman nilang “Gento” na ngayon ay may 12 million views na ang music video at patuloy pa sa pagte-trending. Sa katunayan, ginawa din ng former 2NE1 member na si Minzy ang Gento dance challenge na sobrang ikinatuwa ng fans. Si Minzy kasi ay isa sa mga unang K-pop artist na sumayaw sa isang Filipino pop song. Wish ng fans na maka-collab din ng SB19 ang iba pang K-pop groups. 


Pero bukod dito, hindi matatawaran ang atensyon na nakukuha nila sa buong mundo, dahil kasama sila sa listahan ng "Top 10 International Bands You Should Know About" at sa “Top 20 Best Modern Bands” ng Canada-based pop culture platform na WatchMojo.

Ang five-piece act ay pinangalanang din isa sa 20 “modernong boy group” na nakakuha ng malawakang pagkilala noong 2000s, ayon sa isang listahan kung saan nagraranggo din ang K-pop supergroup na BTS bilang Number 1.

Inanunsyo din ng SB19 na humiwalay na sila sa dati nilang kompanya na ShowBT Philippines, kung saan sila nag-train, para matupad ang iba pa nilang plano sa grupo. Self-managed na ang grupo ngayon sa ilalim ng tinayo nilang kompanya na IZ Entertainment.

Ayon sa lead rapper at sub-vocalist nilang si Josh, "[Ang aming kumpanya na 1Z Entertainment] ay hindi lang para sa SB19. Para ito sa kinabukasan ng industriya ng OPM. Nilikha namin ito dahil kami ay mga visionary.”

Matapos maging isa sa mga nangungunang P-pop group sa bansa, nangangarap sila ngayon na baguhin ang industriya ng musika ng Pilipinas at tulungan ang iba pang Filipino artists. Ayon sa pinuno ng banda at manunulat ng kanta na si Pablo, sinimulan din ng grupo ang 1Z Entertainment para mas magkaroon ng creative freedom.

Sa ngayon, napabalitang magpe-perform ang SB19 sa Davao sa July 5 at sa Bacolod sa July 9 bago nila simulan ang kanilang world tour sa US at Canada sa Agosto.

—by Bianca Padilla

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.