Jay Sonza, inaresto | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jay Sonza, inaresto
Jay Sonza, inaresto
Lance Paolo Lim
Published Aug 15, 2023 08:40 PM PHT

Inaresto ang kontrobersyal na dating broadcaster na si Jay Sonia.

Nasa kustodiya ngayon ng NBI ang dating TV personality.

Ito ang kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Assistant Director Glenn Ricarte.

Pansamantalang idinetina ng Bureau of Immigration (BI) si Jay bago ilipat sa kustodiya ng NBI matapos ang dalawang linggo.

Ayon sa inilabas na ulat ni Niko Baua ng ABS-CBN News, sinabi ng NBI asstistant director na lilipad sana papuntang Hong Kong si Jay nang interbyuhin ito ng mga opisyal ng BI.

Ito ay matapos mapag-alaman na mayroon umano itong active warrant para sa mga kasong syndicated at large scale illegal recruitment.

Nakikipag-ugnayan na umano noon si Jay sa kanyang abogado nang arestuhin siya.

Ipinaliwanag din umano noon kay Jay na hindi siya makakapagpiyansa.

Naging host noon si Jay Sonza ng Mel and Jay kasama ang batikang broadcast journalist na si Mel Tiangco.

Umere ang nasabing programa sa ABS-CBN mula 1989 hanggang 1996.

Nagkaroon din sila ng radio program na Mel and Jay sa DZMM.

Lumipat din sila sa GMA-7 noong taong 1996 kung saan nagkaroon sila ng programa na ni Mel na Partners Mel and Jay.

Umere naman ito hanggang 2004.
Umere naman ito hanggang 2004.
Naging station manager din si Jay ng UNTV mula 2004 hanggang 2009.

Tumakbo si Jay para sa posisyon ng bise presidente noong taong 2010 ngunit natalo ito sa eleksiyon.

Read More:
Jay Sonia
Jay
Niko Baua
Mel Tiangco
Jay Sonza
Hong Kong
National Bureau of Investigation
NBI
Glenn Ricarte
Mel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT