JM de Guzman seryoso kay Donnalyn Bartolome

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

JM de Guzman seryoso kay Donnalyn Bartolome

Leo Bukas

Clipboard

Mukhang nakahanap na nga ng babaing mamahalin ang Kapamilya actor na si JM de Guzman. Kitang-kita ito kung gaano ka-consistent si JM sa pagsuyo at panliligaw kay Donnalyn Bartolome.

 

Ayon kay JM bagama’t hindi nila napag-uusapan ang isyu ng bashing kapag may namba-bash kay Donnalyn sa online content na ina-upload nito ay ipinaparamdam naman daw niya sa dalaga na nasa tabi siya nito na handang makinig at dumamay sa kanya.

 

Inamin din ng aktor na si JM de Guzman na patuloy ang ginagawa niyang panliligaw ngayon sa actress at content creator.

 

“Okey naman. Nanliligaw pa rin [ako],” nakangiting pagkukumpirma ni JM.

 

Kung matatandaan, nagsimulang ma-link ang dalawa dahil sa video collaborations nila mula noong September 2022 hanggang nitong June 2023.

 

Ilang buwan din mula nang mapabalitang pinupormahan niya si Donnalyn at ang maganda dito ay willing naman daw siya to wait sa dalaga.

 

“Siyempre, ‘pag may gusto kailangan ipaglaban,” natatawang katwiran ni JM.

 

Dahil dito ay natanong siya, kung ano-ano ang mga magagandang katangiang nagustuhan niya sa dalaga para patuloy niya itong suyuin.

 

“Hindi ko alam, eh... Na-i-inspire ako sa kanya,” lahad ni JM.

 

“She’s a very caring person…very sincere, sobrang mabait,” dagdag pa niya/

 

Nausisa naman ang Kapamilya star kung hindi ba siya naiinip sa kakahintay na makuha ang matamis na “oo” ng tinaguriang “Social Media Goddess.”

 

“Hindi po. Napapawi ang inip ko pag nakikita ko siya,” kinikilig na sagot niya.

 

Positibo rin ang aktor nang matanong siya kung sa tingin ba niya ay may pag-asa siya kay Donnalyn.

 

“Sana, sana may pag-asa,” aniya.

 

Nahingi rin ang saloobin ni JM sa ilang insidente ng bashing sa nililigawan n’ya dahil sa mga nag-viral na online content nito.

 

Ayon sa kanya, hinahangaan n’ya si Donnalyn dahil matatag ito sa mga ganu’ng isyu.

 

“‘Yon nga ’yong nakaka-proud sa kanya. Hindi siya [nagpapa-apekto] doon. Pinapalabas niya lang sa kabilang tenga. She learns from kung ano man yung ilatag sa kanya o ibangga sa kanya,” sabi niya.

 

Patuloy pa niya, “Hindi ako masyadong nag-o-open up ng mga ganu’ng bagay kasi sa kanya ’yon. Pero nandu’n ako to lend an ear.”

 

Samantala, nagpapasalamat ngayon ang aktor na maganda ang pagtanggap ng viewers sa romantic drama movie nila ni Alessandra de Rossi na What If na nag-Top 1 kamakailan sa Netflix Philippines.

 

“Sobrang grateful and thankful lang po ako na ako ’yong kinuha ni Alessandra doon for the role. And sobrang proud din po ako doon sa movie,” saad n’ya.

 

After din niyang mapanood sa Kapamilya action-drama series na The Iron Heart, heto’t aariba naman s’ya sa upcoming teleserye na Linlang.

 

Makakasama niya sa show sina Kim Chiu, Paulo Avelino, and Diamond Star Maricel Soriano. 

 

“Shady ang character ko du’n, medyo dark. Nae-enjoy ko in a way na medyo mas nagiging creative ako, mas nagiging free ako, kasi yung boundaries ko parang lumalalawak… pero nakakapagod,” pahayag niya sa kanyang role/

 

Mapapanood ang Linlang simula ngayong October 5 sa video streaming platform na Amazon Prime.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.