Angel Aquino, Mylene Dizon, Jameson Blake, at iba pa makakasama ng DonBelle sa “How to Spot a Red Flag” | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Angel Aquino, Mylene Dizon, Jameson Blake, at iba pa makakasama ng DonBelle sa “How to Spot a Red Flag”
Entertainment.ABS-CBN.com
Published Sep 28, 2024 12:10 AM PHT
|
Updated Sep 28, 2024 08:25 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nag-uumapaw na kilig ang handog nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa inaabangang Viu original series na “How to Spot a Red Flag” mula sa partnership ng ABS-CBN at Viu, at sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Matapos ma-excite ang fans sa teaser na pinost online, opisyal nang inanunsyo ng DonBelle ang title at logo ng serye sa isang story conference at script reading na ginanap ngayong araw (Setyembre 25).

Makakasama sa light romantic drama sina Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr, at Kira Balinger. Pangungunahan ito ng batikang direktor na si Dwein Baltazar.

Iikot ang kwento ng “How to Spot a Red Flag” sa isang matapang na barista (Belle) na mahuhumaling sa isang aroganteng bad boy (Jameson) at sa isang cute na good boy (Donny). Makakahanap pa kaya siya ng real love kapag nalaman niyang magkasabwat pala ang dalawang lalake sa panloloko sa kanya?

Ang “How to Spot a Red Flag” ay ang unang Viu original series na local na gagawin ng ABS-CBN at Viu pagkatapos ng matagumpay nilang partnerships para sa mga Philippine adaptations na “The Broken Marriage Vow,” “Flower of Evil,” at “What’s Wrong with Secretary Kim.”

Abangan ang DonBelle sa “How to Spot a Red Flag” na mapapanood soon sa Viu.

Read More:
ABS-CBN
Entertainment
ABS-CBN Entertainment
Donny Pangilinan
Belle Mariano
How to Spot a Red Flag
Donbelle
How to Spot a Red Flag cast
donbelle project announcement
Jameson Blake
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT