Jericho, nag-kwento kung bakit niya tinanggap ang proyekto ng ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jericho, nag-kwento kung bakit niya tinanggap ang proyekto ng ABS-CBN

ABS-CBN.Corp.comm

 | 

Updated Apr 19, 2024 10:02 PM PHT

Clipboard

Jericho, nag-kwento kung bakit niya tinanggap ang proyekto ng ABS-CBN
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Excited na ang Asia's award-winning actor na si Jericho Rosales para sa kanyang inaabangang TV comeback kung saan bibida siya sa isang proyekto ng ABS-CBN.

Bagama’t wala pang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Jericho, dapat abangan ng fans ang gagampanang papel ni Jericho na siguradong tatatak sa puso ng mga manonood.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jericho kung bakit niya tinanggap ang naturang proyekto pagkalipas ng anim na taon mula noong bumida siya sa huli niyang teleserye.

“I’m very excited sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito. It’s nice to be back here sa ABS-CBN, kwento ng Kapamilya heartthrob.

ADVERTISEMENT

“It’s a really good project. For me timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming. The story is good,” dagdag niya.

Bukod sa kanyang pagbabalik-teleserye, sinabi rin ni Jericho na may niluluto rin siyang proyekto kasama ang Star Cinema.

“I’m really happy with this energy now that I am back in front of the camera, announcing stuff that I’ve been working on,” sabi niya.

Bilang isa sa mga pinakamagagaling na leading man ng kanyang henerasyon, napamahal ang mga manonood kay Jericho dahil sa kanyang mga pinagbidahang serye tulad ng “Pangako Sa’Yo,” “Sana’y Wala Nang Wakas,” “The Legal Wife,” at iba pa. Ang huling teleserye na ginawa ni Jericho ay noong 2018 para sa hit romantic drama na “Halik.”

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa TV comeback ni Jericho.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.