Pagtanggal sa SRP, kinwestyon ng dating DTI Usec | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagtanggal sa SRP, kinwestyon ng dating DTI Usec

Alvin Elchico,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 01, 2017 04:36 PM PHT

Clipboard

MANILA - Kinwestyon ng grupong 'Laban Konsyumer' ang desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na tanggalin ang standard retail price (SRP) at hayaan na lang na ang kompetisyon ng mga pribadong kumpanya ang magdikta ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Giit ni dating DTI undersecretary at ngayon ay presidente ng Laban Konsyumer Atty. Vic Dimagiba, wala nang proteksyon ang mga mamimili sa pagtaas ng presyo dahil monitoring na lang ang gagawin ng DTI sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nasa batas daw kasi na trabaho dapat ng DTI na idetermina kung rasonable ang presyo. Nakalagay sa Price Act na dapat siguruhin ng DTI ang "suggested reasonable price" ng bilihin.

Ayon kay Dimagiba, paano malalaman ng DTI kung lagpas na sa tamang presyo kung wala silang datos na pagbabasehan ng rasonableng presyo?

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Dimagiba, inabandona ng DTI ang tungkulin nito na siguruhing rasonable ang presyo.

Paliwanag naman ng DTI, di naman tumataas ang presyo simula nang tinanggal nila ang SRP dahil marami raw brands na nagku-compete.

"We have been saying that prices will be monitored closely pa rin. And look at all basic manufactured products na hindi tumataas kahit hindi covered ng DTI approval," sabi ni DTI Sec. Ramon Lopez sa isang text message.

"Kasi marami brand and players so tight competition. Ang nasa batas ay DTI may from time to time approve SRP," dagdag pa ni Lopez.

Ayon pa kay Lopez, may SRP pa rin pero ang mga pribadong manufacturer na ang magtatakda nito at hindi ang DTI.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.