FDA, maghihigpit sa paglagay ng tamang porma ng expiration date | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FDA, maghihigpit sa paglagay ng tamang porma ng expiration date

FDA, maghihigpit sa paglagay ng tamang porma ng expiration date

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 24, 2019 04:34 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahigpit nang ipatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) ang paglalagay ng expiration date na may tamang porma sa manufactured goods, lalo na sa pagkain.

Ayon kay FDA Director IV Marilyn Pagayunan, 2016 pa ang patakaran na naglalagay ng pamantayan sa paraan ng pagsasaad ng "expiration date."

Nagdudulot kasi ng kalituhan ang iba-ibang label gaya ng "best before" at "consume before."

Sa ngayon, pinapayagan pa ng FDA ang "best before" pero dapat may expiration date pa rin.

ADVERTISEMENT

Ukol naman sa porma ng expiration label, ayon sa FDA, maaaring gamitin ang "expiry o expiration date, use by date, consume before, at recommended last consumption date."

May tama ring format o paglalagay ng petsa ng expiration date sa mga label, ani Pagayunan.

Mauuna dapat aniya ang araw na nakasaad bilang numero, sunod ang buwan na nakabaybay o in-abbreviate, at taon na numero. (Halimbawa: 1 JAN 2019)

Iisang paraan ng pagsaad ng "expiration date" din ang hiling ng isang grupo ng mga may-ari ng mga supermarket.

"Pinakamaganda para 'di malito ang ating mga konsumer ay iisang term lang ang ating gamitin, standardize the term," sabi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.

Nagpaalala rin ang FDA sa mga mamimili ngayong Pasko na suriin ang expiration date ng mga bibilhing produkto dahil maaaring makaapekto sa kalusugan ang pagkain na expired.-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.