Globe nagbabala laban sa text 'spoofing' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Globe nagbabala laban sa text 'spoofing'

Isang halimbawa ng "6

MANILA -- Nagbabala ang Globe laban sa pag-click ng links sa mga text message kaugnay ng mga insidente ng SMS "spoofing" sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sa mga scam text na ito, inaanyayahan ang mga customer na i-click ang isang link para maka-redeem ng rewards kabilang ang mobile devices, ayon sa Globe.

Layon umano nito na makuha ang personal na impormasyon ng mga customer.

Nangyayari ang spoofing kapag ginagamit ng mga scammer ang isang international mobile subscriber identity o IMSI catcher--isang fake cell tower o base station.

Kapag nailagay na ang IMSI sa isang lugar, naililipat nito ang signal ng mga kalapit na phone sa 2G. Oras na mangyari ito, nakakapagpadala na ang mga manloloko ng mga SMS gamit ang spoofed na number o sender ID.

Sa kasong ito, napasok ng mga scammer ang SMS channels na 8080 at official sender ID “Globe” nang hindi dumaraan sa lehitimong Globe network.

Para labanan ito, inumpisahan na ng Globe ang pag-aalis ng clickable links sa kanilang opisyal na mensahe sa kanilang mga customer.

Ayon kay Globe Head of Consumer Mobile Business Darius Delgado, hindi lang sa Pilipinas nangyayari ang spoofing.

"The use of IMSI catchers is actually an emerging global trend with reported incidents around the world, "aniya sa isang press briefing.

Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para mapigilan ang krimeng ito.

"We have been working with partners to develop a solution to this problem and at the same time, collaborating with law enforcement agencies today to catch these culprits," aniya.

RELATED STORY:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT