Kakaibang pangalan: Kilalanin si Computer Man | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kakaibang pangalan: Kilalanin si Computer Man

Kakaibang pangalan: Kilalanin si Computer Man

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 14, 2021 08:16 PM PHT

Clipboard

Larawan mula kay Computer Man Diolola Lim

MAYNILA — Sa pag-aakalang mawawalan na ng computer sa hinaharap, ipinangalan ng isang ama sa Laguna ang kanyang anak sa naturang gadget.

Kwento ni Computer Man Diolola Lim, 22, nanigurado ang ama niya na sakaling totoo man ang mga haka-haka ay may matira pa ring computer sa mundo.

Nahanap ng ABS-CBN News si Computer Man nang ibahagi niya ang kaniyang kwento sa kaniyang komento sa storya ni baby HTML, na anak ni Macaroni 85.

Ani Computer Man na may palayaw na CMan, hilig ng yumao niyang ama ang computer at naaligaga sa nasagap na maling balita noong year 2000 na mawawala na ang mga computer.

ADVERTISEMENT

“Basta ang alam ko si Papa po nagpangalan sa’kin e. Alam ko rin po nahilig po siya sa computer noon. At nagkaroon din daw po ng fake news noon na mawawala na po ang computer,” kwento ni Lim sa ABS-CBN News.

“Kaya raw po pinapangalan akong computer para just in case mangyari. May matitira pa rin pong computer sa mundo,” dagdag pa niya.

Kakatapos lang ni Lim sa kursong mechanical engineering sa Laguna University.

Nag-iisang anak siya nang pumanaw ang kanyang ama noong 3 anyos pa lamang siya. Kasama niya ngayon ang kanyang ina pati na rin ang stepfather nito at apat pang kapatid.

Ayon kay Lim, hindi man kakaiba ang pangalan ng mga kapatid niya lubos siyang natutuwa sa mga kakaibang pangalan na nagba-viral sa social media.

ADVERTISEMENT

“Nagkalat nga po ang mga petmalung pangalan ngayon sa social media. Masaya naman maging kakaiba minsan,” aniya.

“Ang mahalaga naman ay kontento at mahal mo ang pangalan mo. Normal man yan o kakaiba. At magkakaiba man ang pangalan natin, ang mahalaga naman ay mabuti tayong tao.”

Noong 2019, iniulat ng Philippine Statistics Authority na karamihan ng pangalan ng mga Pilipino ay hango pa rin sa Bibliya. Ang pinakapopular na pangalan noong 2018 ay Nathaniel para sa mga batang lalaki at Althea naman para sa mga batang babae.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.