Pinaniniwalaang 'kapre' nagbasag umano ng mga gamit sa bahay sa Aklan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinaniniwalaang 'kapre' nagbasag umano ng mga gamit sa bahay sa Aklan

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Raffy Nahil
Kuha ni Raffy Nahil

Mga basag na pinggan, bote ng soft drinks, baso at iba pang kagamitan ang nagkalat sa loob ng isang bahay sa Libacao, Aklan, matapos magwala umano ang isang pinaniniwalaang kapre.

Ayon kay Raffy Nahil, isang albularyo sa Aklan, nagsimula umano ang pambabasag ng gamit ng sinasabing kapre sa loob ng bahay ng isang Florence Nabiong nitong Martes ng gabi.

Sa larawan na kuha ni Raffy, makikita ang mga nagkalat na basag na mga gamit sa loob ng bahay at may malalaking pagbuo ng kamay sa mga nakakalat na bigas sa sahig.

Nagalit umano ang kapre na nakatira sa puno na malapit sa bahay dahil ginawang lutuan ng pagkain ng baboy ang silong ng puno ng camansi.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa may-ari ng bahay, nagulat na lang sila na may bigla silang may narinig na nababasag na mga kagamitan sa loob ng kanilang bahay.

Halos dalawang gabi na umano silang walang tulog dahil umano sa paggambala ng pinaniniwalaang kapre kaya humingi na sila ng tulong sa albularyo at sa mga kapitbahay.

Kaagad naman na nagsagawa ng ritwal si Raffy sa lugar at ayon sa kaniya ay nakita niya ang isang kapre na may taas na nasa 12 talampakan at mabalahibo.

Nananatiling palaisipan sa may-ari ng bahay ang kababalaghang umanong nangyayari sa kanilang lugar.

— Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.