'Nawawalang' lasing na lalaki, sumama sa sariling search party

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Nawawalang' lasing na lalaki, sumama sa sariling search party

ABS-CBN News

Clipboard

Isang lasing na lalaki na inakalang nawawala sa kagubatan sa Turkey ay sumali sa isang search party ng ilang oras bago mapagtanto na siya pala ang hinahanap ng mga awtoridad.

Nalasing ang 50 anyos na si Beyhan Mutlu kasama ang kaniyang mga kaibigan nang lumibot ito sa kagubatan at hindi bumalik, batay sa ulat.

Agad idinulog ng mga kasama ni Mutlu ang nawawalang kaibigan sa mga awtoridad na nagsagawa ng search operations.

Tumindi pa ang paghahanap sa lalaki nang kumalat ang balita, at dumami ang mga volunteer na sumama sa search party.

ADVERTISEMENT

Ilang oras nang sinisigaw ng mga rescuer ang pangalan ni Mutlu nang bigla itong magsabi: "Who are we looking for? I am here."

Ligtas namang napauwi ng pulisya ng lalaki. Hindi malinaw kung paano napasali sa search party si Mutlu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.