Ilan nabahala sa pagdami ng gamu-gamo sa kalsada

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilan nabahala sa pagdami ng gamu-gamo sa kalsada

Cielo Gonzales,

ABS-CBN News

Clipboard

Bayan Patroller Ruth Obusa

Abala para kay Bayan Patroller Ruth Obusa ang pagdami ng mga gamu-gamo sa poste ng ilaw sa San Antonio, Parañaque City noong Mayo 14 bandang alas-7 ng gabi. 

Kuwento niya, pauwi na siya sa kanilang bahay habang sakay ng kanyang e-bike nang madaanan ang poste na napalilibutan ng mga gamu-gamo. 

Pero bukod sa kumpulan sa ilaw ay may mga gamu-gamo rin na dumadapo sa kanyang mukha na naging dahilan para maabala sa pagda-drive. 

“Halos madaming dumadaan nagtatakip lang mga damit nila sa ulo. Papasok sa loob ng damit naka e-bike kasi ako kaya medyo nahirapan ako dumaan,” kuwento ni Bayan Patroller Ruth. 

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni ABS-CBN Resident Meteorologist Ariel Rojas ay madalas na lumalabas ang mga gamu-gamo kapag malapit na magsimula ang tag-ulan. 

“Nagsisilabasan ang mga gamu-gamo kapag nagsisimula na ang mga pag-ulan dahil mainam ang alinsangan para sa pagpaparami,” ayon kay Rojas. 

Dahil sa ulan ay lumalambot ang lupa na ginagawang kolonya ng mga winged termites o gamu-gamo, dagdag pa ni Rojas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.