May pera sa basura | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

May pera sa basura

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 26, 2017 10:31 AM PHT

Clipboard

Mga Kapamilya, ang mga akala ninyong basura na, maaari niyo pa lang pagkakitaan. Mga itanapong plastic, pwede pala maging pandekorasyon. Ang mga bote, pwedeng ibenta bilang plorera. At ang mga retasong tela, lumang dyaryo at papel, may mga silbi pa. Pwede silang gawing diary, kalendaryo, album o picture frame.

Lahat siguro tayo ay pamilyar sa Papemelroti, isa sa mga naunang tindahan sa Pilipinas na nagbebenta ng mga iba't ibang abubot na gawa sa mga itinuturing nang basura.

Si Patsy Alejandro Paterno ang isa sa limang magkakapatid na may-ari ng Papemelroti. Natuto sila sa yumaong ina na palaging sinasabi noon, "Gamitin lamang ang imahinasyon at kamay, kikita kayo ng pera."

Ang mga pira-pirasong tela, ginagawa niyang stuffed toys. Ang mga toilet paper rolls gagawin niyang bote.

ADVERTISEMENT

"Kailangan kasi na iba ang paningin natin sa basura, diba?" Anya ni Patsy.

Taong 1967 nang magsimula ang isang maliit na tindahan sa Quezon City kung saan nakatira ang Pamilya Alejandro sa pangalawang palapag. Hindi man daw mataas ang ambisyon ng kanilang ina, ginamit raw nito ang kanyang talento at sipag para makatulong sa ibang tao. Ito ang pinipilit ipagpatuloy nina Patsy ngayon.

Sa magandang halimbawa ng ina, natutunan ng limang magkakapatid na magnegosyo na may konsensiya – konsensiya sa kapwa, kapaligiran at tiyaking walang nasasayang. Ipinangalan rin sa kanilang magkakapatid (Patsy, Peggy, Meldy, Robert at Tina) ang negosyong Papemelroti.

1976 nang ginamit nila ang recycled paper. Ang Papemelroti ang unang negosyong gumamit ng brown paper habang ang lahat ay nagbebenta ng refined o puting papel. Karamihan raw kasi ng mga recycled paper na ginagawang puti, ang acid na ginagamit rito ay masama sa kalikasan. Ayaw rin nilang pumutol pa ng mga puno para lang gumawa ng stationery.

Ang kanilang mga kasangkapan, galing sa mga wooden crates ng ibang bansa. Pero hindi lang 'yan --- nakakatulong rin ang Papemelroti sa mga trabahador nilang may sakit.

Abangan ang kapanapanabik na kwento ng Papamelroti ngayong Martes, Enero 19, sa My Puhunan, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN at 9:30 PM sa DZMM Teleradyo. Para sa updates, pumunta lamang sa www.facebook.com/MyPuhunan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.