Fans ni Julia Montes, Shaina, tutok sa unang araw ng 'Asintado'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fans ni Julia Montes, Shaina, tutok sa unang araw ng 'Asintado'

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Hindi na makapaghintay ang die-hard fans nina Julia Montes at Shaina Magdayao sa kanilang nalalapit na paglabas sa Kapamilya Gold series na "Asintado."

Trending sa social media ang pilot episode ng serye nitong Lunes, kung saan ipinakita ang simula ng kuwentong siguradong susundan ng maraming Pilipino.

Sa unang episode ng palabas, ipinakilala sina Katrina (Magdayao) at Juliana (Montes), magkapatid na pinaglayo ng isang trahedyang sinimulan ng mga impluwensyal na tao sa lipunan.

Pinasunog ni Miranda (Lorna Tolentino), ang chief strategist ng pulitikong si governor Salvador Del Mundo, ang bahay kung saan lumaki sina Katrina at Juliana. Naabo hindi lamang ang kanilang tahanan, kundi pati ang kanilang butihing ina at amang witness sa isang anomalya sa gobiyerno.

ADVERTISEMENT

Ang trahedyang ito ang nagdala sa magkapatid sa bahay ampunan, kung saan makikilala ni Katrina si Hillary Del Mundo (Agot Isidro), ang maybahay ni Governor Del Mundo.

Dala ng awa sa magkapatid, napagpasyahan ni Hillary na ampunin si Katrina para mabigyan ito ng mas magandang buhay. Walang kamuwang-muwang ang bata na ang taong umampon sa kanya ay ang asawa ng taong nakalaban ng kanyang ama.

Watch more in iWantv or TFC.tv

At tila hindi na tatagal ang paghihintay ng fans nina Montes at Magdayao, dahil sa teaser ng susunod na episode, ipinakita ang dalagang bersiyon nina Katrina at Juliana.

Tuwang-tuwa tuloy ang fans dahil, sa wakas, muli nilang mapapanood tuwing hapon ang kanilang mga idolo. Narito ang ilan sa kanilang reactions:

Mapapanood ang "Asintado" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng hapon pagkatapos ng "It's Showtime."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.