‘Kadenang Ginto’ cast nagpasiklab sa ‘ASAP’ para sa finale ng serye | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Kadenang Ginto’ cast nagpasiklab sa ‘ASAP’ para sa finale ng serye

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Bumida sa “ASAP” stage ngayong Linggo ang cast ng “Kadenang Ginto” para imbitahin ang mga manonood na tutukan ang huling linggo ng hit afternoon serye.

Nanguna sa production number ang mga bida ng serye na sina Beauty Gonzalez, Dimples Romana, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos magsayaw, inanyayahan ng cast members ang mga manonood na abangan ang mga pangyayari sa pagtatapos ng serye.

“Makakalaya na kaya ang mga pusong nakagapos? Abangan niyo po ang huling 5 araw ng Kadenang Ginto,” ani Romana.

ADVERTISEMENT

“Mangyayari na ang pinakamatinding banggaan,” sabi naman ni Gonzalez.

Nag-umpisang umere ang “Kadenang Ginto” noong 2018. Pumatok ito sa mga manonood at nagkaroon ng sari-saring meme sa internet mula sa serye.

Nagsimula na ring umere ngayong taon ang isang Indonesian adaption ng serye.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.