PANOORIN: Coco Martin, inamin ang hirap na maging direktor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Coco Martin, inamin ang hirap na maging direktor

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 13, 2023 03:58 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- "Sobrang hirap niya."

Ganito inilarawan ni Coco Martin ang pagiging direktor na sinimulan niya nang gawin niya ang pelikulang "Ang Panday" noong 2017.

Maliban sa pagiging direktor at bidang aktor, si Martin din ang producer nang nasabing pelikula.

Matapos ang pelikula, nagtuloy-tuloy na ito hanggang sa maging isa siya sa mga direktor ng "FPJ's Ang Probinsyano" na umere sa loob ng pitong taon.

ADVERTISEMENT

At ngayong taon, muling bibida at uupo bilang direktor si Martin ng "FPJ's Batang Quiapo" kung saan leading lady niya si Lovi Poe.

"Sabi ko noon sa sarili ko, gusto kong mag-direct kaso hindi ako nag-aral. Wala akong alam sa lente, about sa technicalities, mahina ako. Sabi sa akin ng mga kaibigan ko sa production, hindi importante kung alam mo ang lente o ano, ang importante marunong kang magkuwento. Alam mo kung paano mo dadalhin ang kuwento mo," ani Martin.

"Sabi ko tutal gusto ko mag-direct, eh 'di ako na rin ang mag-produce. Nilakasan ko na loob ko, kinapalan ko na mukha ko. Ako na nag-produce nung first movie ko 'Panday.' Nagtuloy-tuloy na nag-'Ang Probinsyano' na ako. Ang hindi ko akalain 'yun pala ang pinamalaking pagkakamali ginawa ko sa tanang buhay ko," birong hirit ni Martin.

"Kasi sobrang hirap niya. Kasi akala ko, 'di ba lahat 'direk, ang sarap maging direktor.' Hindi. Kasi kapag nagkamali ka, hindi nagtagumpay ang proyekto mo, ikaw ang may kasalanan. Eh umaarte pa ako. Ako rin ang creative. Ako rin ang nagbibigay ng kuwento, ako rin nagbibigay ng lines. Sabi ko mali ang ginawa ko, pinahirapan ko ang sarili ko," ani Martin.

Pero giit ng aktor, sa kabila ng hirap, masarap aniya sa pakiramdam ang pagdidirehe.

ADVERTISEMENT

"Honestly, totoo naman kahit sinusumpa ko siya, iba ang fulfillment kapag nakita mo na ang finished product at na-appreciate ng ibang tao 'yung ginawa mo, 'yung pagiging direktor. Iba rin siyempre ang pagiging aktor. Pero honestly, kabalikat nga nung ginawa ko nung nangyayari sa akin ngayon ang napapabayaan ko ang pag-arte ko. Lalo na ngayon ako pa ang producer," ani Martin.

At sa dami nang mga bagay na kailangang gawin, pag-amin ni Martin, minsan ay dumarating sa punto na nais niya ring umiyak dahil na rin sa pagod. Pero giit ng aktor, gusto niya ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay dahil sagot ito sa kanyang dasal.

"Gusto ko ginagawa ko. Passion nga sabi nila. Sabi ko nga 'yung passion papunta na sa 'Passion of the Christ' ang nangyayari sa akin ngayon. Ang nangyayari ay sobrang pagod lang. Kasi lahat naka-ano sa akin," ani Martin.

"Pero sabi ko nga ginusto ko naman ito. At saka ang pinaka-ano sa lahat eh ipinagdasal ko ito. Dati tambay ako ngayon sunod-sunod na blessing. So bakit ko tatanggihan. Hanggang kaya ko. Dumating man ang araw wala kong pagsisisihan, sinasagad ko na kung ano ang mayroon ako," giit ni Martin.

Magsisimulang mapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" ngayong Lunes ng gabi, Pebrero 13, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.