Joshua, Janella natuto ng cheerleading para sa ‘MMK’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Joshua, Janella natuto ng cheerleading para sa ‘MMK’
ABS-CBN News
Published Feb 18, 2020 03:10 PM PHT
|
Updated Feb 19, 2020 07:09 PM PHT

Ibinahagi nina Joshua Garcia at Janella Salvador na sumabak sila sa pagsasanay ng cheerleading para sa pagbibidahan nilang episode ng “Maalaala Mo Kaya,” ang kanilang reunion sa telebisyon matapos ang serye “The Killer Bride.”

Nakatakdang ipalabas sa Sabado, Pebrero 22, ang episode kung saan gagampanan nina Garcia at Salvador ang papel ng mga cheerleader.

“Cheerleader kami pareho. Doon kami nag-meet, ‘yon ‘yong story nila,” ani Salvador sa panayam ng ABS-CBN News.

“Dumaan kami sa mga practice,” ani Garcia.
“Dumaan kami sa mga practice,” ani Garcia.
ADVERTISEMENT
May mga retrato ring ibinahagi sa Instagram account ng “Maalaala Mo Kaya,” tampok ang mga pag-ensayo ng dalawa. May isang larawan kung saan makikitang nili-lift ni Garcia si Salvador.

Ayon kay Salvador, bagaman mahirap ang cheerleading, nag-enjoy naman siya rito.

“Fun siya kasi challenging ‘yong role,” aniya.

Nagpasalamat din ang dalawa sa patuloy na suporta ng fans ng kanilang tambalan, na nag-umpisa sa seryeng “The Killer Bride.”

“Sobrang thankful lang ako na ang daming sumusuporta sa amin,” ani Garcia.

“Ang sipag ng fans namin eh, nakikita ko sa Twitter, lagi sila nagpapa-trending,” dagdag niya.

Ayon naman kay Salvador, nasabik siyang makatrabaho ulit si Garcia at mapasaya ang mga tagahanga ng kanilang tambalan. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News